Chapter 28.2: Christmas Party (PhenSon Moment)

27 5 0
                                    

Chapter 28.2: Christmas Party (AlissonXStephen Moment)

STEPHEN'S POV:

"WAaAh!!! Ang sweet!!" chismosa #1

"Oo nga eh! Sana magkaroon ako ng jowa ng katulad niya." sabi naman ni chismosa #2

Bigla namang bumulong 'tong katabi ko na rinig ko naman.

"Tssk! Mga pabebe! Inggitera! Nakakairita! Korny naman 'tong dalawang lovers dito pero maka react wagas. Tssk! Makaalis na nga dito."

Aalis na sana siya ng hinigit ko ang kamay niya.

"Hindi ka ba natutuwa sa dalawa? Nag bati na sila at maayos na ang relationship nila. Eh 'yung atin kaya?" 

Tinignan niya lang ang kamay kong nakahawak sa kamay niya. At ng maramdaman kong masama ang tingin niya sa 'kin, ay agad ko naman binitawan 'to.

"Relationship ha? Tssk! It's Relation-sh*t not Relationship," with her sarcastic voice.

"Why so bitter?"

Tinaasan niya lang ako ng kilay. Ngumiti lang ako sa kanya ng sincere.

"Hindi ka pa rin ba maka move on sa kanya?"

Nakita ko siyang umiwas ng tingin at medyo naluluha. Tssk! Sabi nga nila 'Tough women are not always strong. They are also fragile.' At sa sitwasyon ni Alisson, naniniwala ako doon sa kasabihan na 'yon. Kahit na masakit.

"Stop this d*mn issue Stephen! STOOPPP ITTT!!"

Nagbuntong hininga lang ako, "Alam ko mahal mo pa rin siya. Ginagawa ko na nga lahat ng paraan para lumigaya ka eh! Kahit na mahirap ka pakisamahan, kahit na mas malamig ka pa sa isang yelo, nandito pa rin ako, kasama mo. Alisson nandito ako kapag malungkot ka! Nandito ako kapag nasasaktan ka ng dahil sa kanya. Nandito ako! Bakit ba nag bubulag bulagan ka ha! Bakit!?"

Nagulat ako sa sinabi ko at pati siya nagulat rin sa inasta ko. Pero nasabi ko na 'yun eh! Wala ng bawian.

"I mean what I said kaya sana naman huwag ka ng maging manhid. Alam mo naman di bang mahal kita kaya sana paniwalaan mo ko."

"What if I said, I don't love you. Stephen hindi naman kita inutusan na mahalin ako. Hindi ko kailangan ang pag ibig mo! I don't even love you. So please, sana huwag mo na lang akong mahalin dahil HINDI AKO ANG BABAE PARA SA 'YO! HINDI AKO! Marami pa naman
diyan eh! Huwag na lang ako please!"

Kinakausap ako ng mga mata niya. Kitang kita sa mga mata niya ang sakit na nadarama. Kung cold ang patutungo niya sa kin ay mas cold na ngayon. Hindi ko na rin siya mabasa dahil pati mga mata niya blanko.

I sighed. "If 'yan ang gusto mo, then gagawin ko pero ito lang ang masasabi ko, hinding hindi ko pinagsisisihan ang pag mamahal ko sa iyo. Tandaan mo 'yan."

At tinalikuran ko na siya. Papaalis sa kanya. Iniwan ang sakit ng dulot niya.

ALLISON'S POV:

"Uy! Anong nangyari du'n?" kalbit sa 'kin ni Mapple at tinuro si Stephen na unti unti ng lumalayo sa akin.

"Hala! Bakit ka umiiyak?" tanong niya ulit dahil napansin niyang may pumapatak na luha sa mga mata ko.

Umiling lang ako. Binigyan niya lang ako ng panyo.

"Gwaenchanh-ayo. Al-a, geuneun dangsin-i ulgo bogo sipji anh-a geuui ttaemun-e. Geunyang miso yongseo haneun beob-eul baewoyo, dangsin-eun haengbog hagi wihae. Daleun salam eul salanghaneun beob-eul baewoyo geudeul-i dangsin-eul wihae hal modeun il eul jus-yeoseo gamsahabnida geudeul-eun gwijunghan ttaemun-e."

IN SEARCH OF A SWEETER SONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon