Chapter 7: Scrapbook

116 13 3
                                    

STEPHEN'S POV:

Ang ganda ganda na ng pinag uusapan namin ni Aaron eh!!! Panira si Jethro.

Paano kasi, bigla bigla na lang papasok sa Private room ng padabog. Hmmmmm.. Alam ko na! May problema na naman ito.

"Brod! What's Your Problem? Tell us." Tanong ko kay Jethro. Hmmmmm.. Hindi siya sumagot.. Bagkus kumuha ng magazine at kunwari nag babasa siya. Tsssk. Palusot niya.

*Kring*Kring*Kring*

Third subject na pala. Tiningnan ko si Aaron at bigla na lang umalis. Tsssk! Sa ngalan ng Pag ibig, gagawin niya ang lahat para mapanalunan niya iyong Deal nila ni Ezra.

Yeah! Kwinento na lahat ni Aaron ang nangyari sa kanila sa Green House. Tsssk.. Imbes Playboy siya, naging Lover boy na! XD pag ibig nga naman.. Parang Love XD

"Hindi ka pa papasok?" Tanong ni Jethro sa akin pero sa magazine pa rin naka tingin. Eh siya nga hindi pa papasok!! Tsssk

"Eh ikaw! Hindi ka pa papasok?" Tanong ko rin.. Hehehe.. Balik balik lang ng tanong pag may time. XD

"Tsssk!" Sabi niya..Tapos pinag patuloy niya ang pag babasa kuno niya. Bahala nga siya sa buhay niya. Buhay niya iyan eh!

Umalis na lang ako doon sa Private room namin at dumiretso sa 4-A. Ang Classroom ko. Pagpasok ko agad sa loob, umupo ako sa destined seat ko at hintay si ma'am MAPEH, dahil siya ang first subject teacher namin.

"Good Morning." Masayang sabi ni ma'am.. Binati lang nila si ma'am ng good morning.. Ako hindi ko siya binati kasi wala lang.. Trip ko lang XD

"So Class.. Dahil Arts ang topic natin ngayon, gagawa kayo ng project na Scrapbook. Hindi lang siya simpleng scrapbook, kundi LOVE SCRAPBOOK siya dahil ibibigay niyo ito sa special someone niyo. Bawal sa friends or sa family ibigay.. Kundi sa Special someone.. OK ba?" Sabi ni ma'am..

Lintek na teacher naman ito!!! Gusto niyang gumawa kami ng Scrapbook na tungkol sa Love.. Grabe!!! Hindi pa naman valentines day ngayon ah! Anong gagawin ko!!! Sinong pagbibigyan ko? Ay bahala na si batman.

"Bakit nakasibangot ka diyan brod?" Pabulong na tanong sa akin ni Aaron. Hayssssst! Paanong hindi sisibangot kung naiistress na ako kakaisip kung ano ang gagawin ko sa d*mn Scrapbook na iyan!

"Paanong hindi ako sisibangot kung wala pa akong ka ide-idea diyan sa f*cking scrapbook na iyan!"

Frustrated na bulong ko. Ngumiti lang ang loko. Aba't pangiti ngiti pa siyang nalalaman diyan. Hindi siya nakatutulong dito sa problema ko.

"Madali lang 'yan. Edi magpagawa ka." Proud na sabi niya. Kanino naman ako magpapagawa? Atsaka bawal kaya! Kahit kailan talaga si Aaron.. B.I

"Bahala ka sa buhay mo!" Sabi ko. Nakakainis talaga!

"Eh Di, ibigay mo kay ex mo iyang scrapbook mo. Punuin mo ng picture niya siguradong babalikan ka niya." Sarkastikong sabi sa akin ni Aaron.

Tsssk! Porket may Ezra na siya eh! Bagasan ko kaya ang face niya.

"Tsssk B.I. ka talaga kahit kailan."

Sabi ko with my pamatay na look sa kanya.

"Seryoso na nga! Ilagay mo diyan sa scrapbook mo 'yong taong nag papatibok ng puso mo. Kung sino iniisip mo. Kasi sa iyo 'yan eh at puso mo 'yan! Ikaw na bahala mag decide." Seryosong sabi niya. Napa isip tuloy ako! Oo Tama! Ang scrapbook kung ito ay ialay ko sa taong mahal ko.

IN SEARCH OF A SWEETER SONGHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin