Chapter 36:Bouquet

21 5 0
                                    

THIRD PERSON'S POV:

Nagising si Mapple na masakit ang ulo. Damang dama niya rin hanggang ngayon ang sakit na naramdaman ng makita ang munting kaibigang wala ng buhay.

Saan ba talaga sila unang nagkita at bakit ganoon na lang ang naramdaman niyang sakit? Hindi ba nakilala niya lang ito sa isang lugar kung saan sila lang ang nakakaalam?
Maaaring dahil doon sa taong iyon nahanap ni Mapple ang isang kaibigan na kinakailangan niya noong mga panahong malapit na siyang mawala sa mundo.

Nakakatawang isipin na kahit sa sandali lamang na panahon ay nakilala niya ito ng lubusan.

Bumangon na si Mapple at pinag masdan ang paligid. Katulad pa rin ng dati ang paligid at aura ng lugar. Kulay puti ang mga pader at nasa isang kwarto pa rin siya na mag isa.

Naagaw ang pansin ng dalaga ng nakita ang isang maliit na bouquet ng paborito niyang bulaklak.

Inamoy amoy niya ito at napangiti na lang ng wala sa oras. Batid niya na alam ng nagbigay ng bulaklak ang kasiyahan ng dalaga.

Napahawak na lang siya sa puso niya ng naramdamang may kakaibang kirot na gumuhit sa puso niya. Hindi dahil sa sakit na dinarama kundi dahil sa kasiyahang sa palagay niya ay matagal ng nawala sa sistema niya.

Napansin ni Mapple na may nakasuksok na maliit na card sa bulaklak. Akmang kukunin niya na sana ito upang basahin ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Achan na abot langit ang ngiti at sa likod niya ay ang masayang aura ng ina at mga kaibigan.

Buti na lang naitago ni Mapple ang bouquet na iyon sa kanyang unan ngunit naitapon naman niya ang maliit na card. Medyo nawala ang ngiti niya at gusto niyang hanapin kung nasaan na ba iyong card na iyon pero hindi niya nagawa dahil agad siyang niyakap ng kanyang inang sabik na sabik sa kanya.

ACHAN'S POV:

"Mapple! Anak! May ibabalita ako sa iyo!" masayang bati ni tita kay Mapple. Kitang kita sa mga mata niya ang kasiyahan at kasabikan sa kanyang anak. Hindi ko naman masisisi si tita kung bakit ganyan siya ngayon magreact. Siguro kasi na realize niya na mas magandang nasa tabi lang siya lagi ni Mapple kaysa sa lumayo at mag trabaho sa ibang bansa.

Ang totoo niyan, kumirot ang puso ko sa mg nasaksihan. Paano kaya kapag buhay pa mga magulang ko ngayon? Ganyan din kaya sila katulad ni tita na sabik na sabik sa anak? Hindi ko sila masisisi kung bakit iniwan nila ako agad ngunit hindi niyo rin ako masisisi kung medyo naiinggit ako sa kanila.

"Mama..." mahinang bulong ni Mapple na dahilan para mas lalong sumaya kaming lahat. Sa wakas! Sa matagal na pagpapahinga, narinig na ulit namin ang boses niya.

"Diyos ko! Salamat at sa wakas narinig na namin boses mo!" sabi ulit ni tita. Medyo tumawa si Mapple sa sinabi ng mama niya. At sa wakas! Nakita na namin siyang tumatawa at masaya.

"Anak! Oo nga pala! Bago ko sabihin ang surprise ko sa iyo, ibibigay muna ng mga kaibigan mo ang regalo nila sa iyo kahapon at nong Christmas." sabi ulit ni tita. Tumango lang siya.

Isa isa kaming nagbigay ng regalo at nakita namin kung gaano na appreciate ni Mapple ang regalo namin.

Sa ngayon, kinakausap ulit siya ng mama niya at sinasabi na ang surprise at iyon iyong pag labas niya dito sa hospital at medyo pag galing niya. Masayang masaya kami ng nakitang masaya siya.

Biglang may napansin ako sa may sahig malapit sa hinihigaan niya at nakitang maliit na card pala ito at isang petals ng puting rosas. Pasimpleng kinuha ko ito at medyo lumayo sa masayang grupo nila.

Binasa ko ang sulat at nagulat sa laman nito.

Dear Wifey,

First of all I want to say sorry, sa lahat ng masasakit na alaalang binigay ko sa iyo. Siguro ngayong binabasa mo ito masayang masaya ka ng kasama ang mga kaibigan at ang mama mo pero gusto ko lang sabihin sa iyo dito sa maliit na card na ito kung gaano kita kamahal.
  I love you the fact na sinisi ko ang sarili ko sa mga nangyayari sa iyo. Alam ko ako ang dahilan ng sakit mo na nagdulot pa sa malalang sitwasyon na kinaharap mo. Dahil sa lintek na pagmamahal na ito, nangyari ang hindi dapat mangyari sa iyo. Wifey, alam ko noong una tayong nagkakilala naging cold ako sa iyo at pinakita ko kung sino ba talaga ako. Pinahirapan kita, pinagtripan at pinagtawanan pero hindi ko alam dahil doon mas lalo akong humanga sa tapang mo at iyon na siguro ang dahilan ng paghulog ko sa iyo. Naiinis ako kapag pinagtatanggol ka ni Achan laban sa akin at kapag nakikita ko kayong magkasama. Naiinis din ako sa sarili ko kung bakit hindi ko magawa ang ginagawa ni Achan sa iyo. Alam ko puro katarantaduhan ang dinudulot ng paglapit ko sa iyo pero alam mo namang tinatanggap ko lahat ng risk para lang mapalapit sa iyo. At ng napalapit ako sa iyo ng araw ng pasko, ang saya saya ko. Siguro dahil sa wakas umayon na rin si tadhana sa akin. Masaya din ako dahil nasulo kita ng isang linggo sa Italy. Siguro para sa ilan, maiksi lang ang panahong iyon pero para sa akin parang forever na iyon. Tssk! Ang corny ko! Hindi mo ba alam na dahil sa iyo naging corny ako at natutong magsalit ng tagalog na fluent? Dahil iyon sa iyo, Wifey.
At ng bigla kang naatake ng sakit mo,  hindi ko alam ang gagawin ko. Agad kung tinawagan mga kaibigan mo at pagdating nila sinisi nila ako sa nangyari sa iyo. Natakot ako ng mga panahong iyon na baka mawala ka sa akin ulit. Hindi pa nga tayo masyadong nagtatagal na magkasama kinuha ka ulit ng tadhana. At doon ako nainis dahil wala akong magawa.
Lagi kitang dinadalaw kahit pinagtatabuyan nila ako, wala akong pakialam dahil sa pag ibig ko sa iyo Wifey. Pero nag give up ako noong panahong kitang kita ng mga mata ko kung paano ka nacomatose. Nag give up ako pero sabi ng puso ko, "HUWAG!" kaya sinundan ko ito.
At hindi mo ba alam ng unang pagdilat ng mga mata mo, nandoon ako maging ang nangyari kahapon. Ang sakit sa pusong nawala na ng tuluyan ang mga alaala mo maging ang kaibigan mo pero hindi ko alam kung papaano kita matutulungan. At hanggang ngayon natatakot ako na baka kapag nakita mo ako ay masusuklam ka sa akin. Pero kahit ganoon I want to say How much I love you. Kaya heto gagawa ako ng paraan para mahalin mo ulit ako. I love you Wifey. Hindi ako susuko. Maghihintay ako... Hihintayin kita...

Love and Kisses,
Hubby

Pagkatapos kung basahin iyon ay kinusot ko ito at nilagay sa may bulsa ko. Tssk! Gumagawa na ng paraan si Jethro para makuha niya ulit si Mapple at hindi ko na hahayaan iyon.

IN SEARCH OF A SWEETER SONGWo Geschichten leben. Entdecke jetzt