Chapter 44: Yes, Hubby!

12 3 0
                                    

THIRD PERSON'S POV:

"Mapple..." Bulong ni Jethro sa gulat na dalaga. Halata sa boses ni Jethro ang kaba dahil sa wakas sa mahabang panahon ay nakita niya na ulit ang pinakamamahal.

"Mapple..." Bulong ulit ng binata habang dahan dahang lumalapit sa dalaga. Hindi kumibo si Mapple dahil hindi niya alam ang gagawin niya. Hindi niya alam kung aalis ba siya sa lugar na iyon o hindi. Ngunit ang alam niya lang ay ang pagtibok ng puso niya.

"Sino ka?" Sa wakas, may lumabas na  salita sa kanyang bibig. Napatigil si Jethro sa paglalakad at naluluhang tumingin sa dalaga.

"Hindi mo ba talaga ako kilala? Hindi mo ba ako naalala?" Umilimg lang si Mapple.

"Bakit? Hindi mo ba ko nakikita kahit sa panaginip mo lang? Wifey, ako ito si Hubby mo. Please alalahanin mo ko." May tumulo ng luha sa mga mata ni Jethro na tila naging dahilan ng pagkirot ng puso ni Mapple.

"Hubby?" Bulong ni Mapple at parang may nagflashback sa isipan niya.

Ang lugar ng Italy. Ang rose na puti. Ang malaking teddy bear. At ang lugar kung saan sila naglaro noong bakasyon.

"Hubby!" Ngayon naging malinaw na sa isipan ni Mapple kung sino ba ang lalaking nasa harap niya.

Ito ang lalaking naging kaaway niya dati. Ang lalaking nagbully sa kanya. Ang lalaking naging kaibigan niya. Ang lalaking nagpatibok ng puso niya.
Ang lalaking minahal niya.
At higit sa lahat, ang lalaking naging dahilan kung bakit muntik na siyang nawala sa mundo.

Pero kahit ganoon ay hindi niya sinisi si Jethro sa nangyari sa kanya. Mahal niya ang binata at alam niyang walang kasalanan ito sa kanya.

Dahil sa palagay niya, ang pangalawang buhay na binigay ng Diyos sa kanya ay upang mahalin nito ang binata.

"Oo Mapple ako ang hubby mo." Naiiyak na sabi ni Jethro. Tumakbo si Mapple sa kung nasaan si Jethro at niyakap niya ang binata ng mahigpit at niyakap din siya pabalik.

Nang magkahiwalay sila ng yakap ay nilagay ni Jethro ang noo niya sa noo ni Mapple at nagtitigan sila mata sa mata.

"Wifey, alam ko marami akong pagkukulang sa iyo. Sinaktan kita noong una pa lang ngunit hindi mo alam na nacapture mo ang attensyon ko noon. Iyong tapang mo, iyong pagproprotekta mo sa kaibigan mo, iyon ang naging dahilan kung bakit ako nagkaroon ng interest sa iyo. Wala pa kasi akong nakitang babae na haharang at lalaban sa amin-sa akin dahil alam kong natatakot sila sa amin ngunit you have strong and brave heart. Sa sobrang tapang mo, nagawa mong buhusan ng ice cream ang maganda kong damit." Natatawang wika ni Jethro habang nirereminist niya ang nakaraan. Parang fresh pa rin sa alaala ng binata ang buong detalye.

Narinig na lang niya ang mahinang pagchuckle ni Mapple. Huminga siya ng malalim at tinuloy ang kwenikwento.

"So itutuloy ko na... Wifey, you know ng panahon na binigyan kita ng pranks noon at nakitang nagdurusa parang kumirot ang puso ko. Mas lalo na siguro noong napanood ko kayo ni Achan sa school cctv. Naalala ko kung paano ka niya pinunasan gamit ang mamahaling panyo niya at binuhat papuntang clinic. Gusto kong murahin ang sarili ko. Gusto ko siyang murahin at sabihing 'hoy! Ako dapat ang gagawa niyan sa kanya' pero hindi ko nagawa dahil na rin sa kahihiyan at pagsisisi. Kaya magmula noon, naging cold ang pakikitungo ko kay Achan even sa iyo at hindi na kita binigyan ng pranks." Humiwalay na ang kanilang noo sa pagdidikit at inalalayan ni Jethro si Mapple na umupo doon sa gitna sa may table at nag umpisa ng tumugtog ang background music.

"Sabihin mo, nagselos ka ba sa amin ni Achan?" Nakunot ang noo ni Mapple kay Jethro at halata sa boses nito ang curiosity. Napatawa na lang si Jethro sa sinabi ni Mapple.

"Oo inaamin ko na nagseselos ako. Ang lakas mo kasi sa akin!" Sabi niya sabay wink. Mapple just rolled her eyes at sinapak ng mahina ang braso ni Jethro.

"Aray ko Wifey!" Kunwaring sakit sakitan ni Jethro.

"Magkwento ka na!" Naiirita ngunit nakangiting sabi ni Mapple.

"Oo na wifey. So iyon nga, naging masaya ako nong naging magkaibigan tayo. It feels like heaven mas lalo na ng nalaman kong mahal mo rin ako. Kaya parang nasa cloud nine rin ang feeling ko nong naging tayo. Yes, we experience problems, heartaches at kung ano ano pa! Pero noong naatake ka noong pagkatapos tayong nagbakasyon sa Italy, inumpisahan ko na ring sinisi ang sarili sa nangyari sa iyo." Tumayo na ulit sila mula sa pagkakaupo at ngayon ay tumingin si Jethro sa dalaga ganoon din ang dalaga. Their eyes were locked with each other na tila tinitignan ang emosyon ng isa't isa.

"Hanggang sa nacomatose ka. Sobrang sinisisi ko ang sarili. Kahit pinagtatabuyan na nila ako sa hospital ng araw na nasa hospital ka ay pinipilit kong puntahan ka. Ginawa ko ang lahat. Lahat lahat hanggang sa dumating sa point na nag give up na ako. Nawala na akong pag asa na mabubuhay ka ngunit pinaghahawakan ko pa rin ang pangako natin sa isa't isa na mamahalin natin ang bawat isa hanggang sa mawalan tayo ng hininga." This time pareho na silang umiiyak. Bakas sa kanilang mga mata ang lungkot at the same time, iyong saya. Dahil sa matagal na panahon na naghiwalay sila ay sa wakas binigyan pa sila ng pagkakataong itama ang mali. Mahalin ang bawat isa.

"Kaya nang nalaman kong gumising ka na ay ang saya saya ko. Kaya nag first move na ko. Iyong mga bigay kong white rose pati iyong card, pati na rin ang pagiging secret admirer mo upang sa ganoon malaman mo na nandito ako, patuloy na umaasang maaalala at mamahalin rin ako."

"Hubby..." Iyon lang ang namutawi ni Mapple dahil sobrang speechless siya. Hindi niya alam ang gagawin, ang sasabihin, ang mararamdaman. Dahil sa matagal na panahon ay naexperience niya ang tunay na pagmamahal. Ang pagmamahal na galing sa mga kaibigan, sa kapatid, sa ina, at kay Jethro.

"Shhh... Please patapusin mo muna ako." Wika ni Jethro sabay lagay ng dalawang daliri sa lips ni Mapple. Napatahimik na lang si Mapple.

Biglang lumuhod si Jethro na ikinagulat ni Mapple.

"Please Mapple, I know I'm not that type of boy na sobrang chessy. Hindi rin ako iyong klase ng tao na hindi rin mahilig sa mga cute and sweet stuff pero dahil ng nakilala kita, ang dating ako ay nag iba. Naging masaya at laging nakangiti. Kaya please Mapple ibalik natin iyong dating relasyon natin. Can you be my girlfriend?"

Biglang napatigil si Mapple dahil biglang nag iba pintig ng puso niya at tila nag iba rin ang ikot ng tiyan. Feeling niya maraming butterflies ang naglalaro sa tiyan niya. Pumikit si Mapple dahil may bumubulong sa kanya.

"Sana maging masaya ka..."

Siguro naisip na rin ni Mapple na baka nga ito na ang panahon para sumaya siya.

"Yes hubby!" Biglang napatayo si Jethro at binuhat si Mapple sa sobrang saya at pagkatapos niyakap niya ito ng mahigpit. Mahigpit na nahigpit na akala mo mawawala ulit ang nag iisang babaeng nagpapatibok ng puso niya.

*****

IN SEARCH OF A SWEETER SONGWhere stories live. Discover now