Chapter 10: Learn from Mistake

113 10 0
                                    

ALLISON'S POV:

Buti pa si Micah at Kuya Sai, maayos na sila. Pati sina Ezra at Aaron. Eh ako? Heto! Nasasaktan pa rin dahil diyan sa f*cking ex boyfriend ko na 'yan!

The worst part of being strong is that no one ever ask if you're okay!

Wala man lang magtatanong kong ayos lang ako o hindi! Ni wala pa nga nakakadeskubre na may problema ako! Hay! Oo nga! Paano nila malalaman, kung hindi ko naman sasabihin! Hay! Stupid Allison.

Some say holding on is what makes you stronger. But sometimes it takes much more strength to just let go and move on.

Yeah move on! Move on! Lintek na move on! Napapa English ako ng wala sa oras dahil lang sa kakaemote ko. Hay! Allison! Lalaki lang 'yan! Lalaki lang!

Bushit na lalaki 'yan! Kainis! Sa sobrang inis ko napa suntok ko na lang ang pader dito sa waiting shed ng aming school. Kanina pang uwian pero hindi ko feel umuwi. Umuulan ng malakas dahil sa bagyo pero wala akong pakialam. Bush*t na buhay ito! Hindi man lang sumasakit ang dumudugong kamao ko! Tsssk. Manhid na siguro ako.

Oo na! Hindi si Kuya Sai ang manhid. Ako! Ako iyong manhid! Ni minsan hindi ko man naramdaman na habang kami pa ay niloloko niya ako. Tumitingin pa siya sa iba. Pare pareho lang naman ang mga lalaki eh!

Kasi ang matinong lalaki,kinikilala muna ng mabuti ang babae bago ligawan. Hindi iyong cute agad,maganda agad,sexy agad,mabait agad,crush agad,mahal agad,ligaw agad,agad-agad, aba'y may lakad.(insert sarcasm)

Kainissssssss!

"Sob*sob*sob* kainis na lalaki kayo. Pare pareho lang kayong mga manloloko. Katulad niyo si Enoch! Mga manloloko."

Hindi ko na kaya itong sakit na nararamdaman ko. Feeling ko sasabog na ang damdamin ko sa sobrang dami ng sakit. Mas malakas pa yata sa buhos ng ulan ang aking mga luha. Sob*sob*sob* Di ko na talaga kaya! Huhuhu!! T__________________________________________________T

"Shhhhhh. Wag ka na umiyak. Mas lalo kang papangit! Tahan na!"

Napatingin ako kay Stephen na medyo basa na,dulot ng ulan. Napayakap tuloy ako sa kanya ng wala sa oras. Wala akong pakialam kong pagtawanan niya ako, ang importante may makakausap na ako at may paglalabasan ng sama ng loob.

"Sob*sob*sob*bakit ganoon*sob*Stephen*sob*kahit*sob*niloko*sob*niya ako*sob*mahal ko*sob*pa rin*sob*siya*sob."

Iyak ko sa kanya. Hinagod hagod niya lang ang likod ko na tila pinapatahan niya ako. At napatahan naman niya ako. Humiwalay na kami sa pag kakayakap at tumahimik sandali. Tila ang buhos ng ulan lamang ang naririnig sa ngayon.

"Stephen, pwede ba akong mag bahagi ng kwento sa iyo?"

Tanong ko. Tumango lamang siya at hinihintay ang sumunod na sasabihin ko. Nag inhale, exhale muna ako bago ako nag salita.

STEPHEN'S POV:

Kanina ko pa hinahanap si Allison. Pag karing kasi ng bell ay agad siyang umalis ng classroom. Ni hindi nga siya nag paalam man sa pinsan niya at sa mga kaibigan niya. Nag labas na lang ako ng malaking buntong hininga. Nag aalala na ako sa kanya.Kung saan saan ko na siya hinanap ngunit hindi ko siya nakita.

"No choice uuwi na lang ako!"

Mahinang bulong ko sa sarili. Dumiretso na lang muna ako sa waiting shed ng school para hintayin ang mag susundo sa akin. At sa di inaasahang pangyayari, nakita ko si Allison. Umiiyak siya, tapos dumudugo pa ang kamao niya. Napa iling na lang ako.

Ang akala kong malakas na babae ay may kahinaan din pala. Pagtitingnan mo si Allison, ang akala mo wala siyang problema, pero ang totoo, mayroon. May kahinaan rin pala siya. Kung sabagay, tao rin siya nagkakamali, nasasaktan.

"Sob*sob*sob* kainis na lalaki kayo. Pare pareho kayong mga manloloko. Katulad niyo si Enoch! Mga manloloko."

Iyak niya. Ramdam ko ang sakit na dinadala niya. Napa hawak na lang ako sa aking kaliwang bahagi ng puso ko, dahil naramdaman ko itong kumirot. Dahil ba doon sa pangalang Enoch o dahil sa nakikita ko siyang nasasaktan? Hindi ko alam. Basta ang alam ko, nasasaktan ako pag nakikita ko siyang nasasaktan ng dahil sa walang hiyang ex boyfriend niya. Simula ngayon, ayaw kong may nakitang nananakit sa kanya dahil ako ang makakaharap niya! Tandaan nila 'yan!

"Shhhhhh. Wag ka ng umiyak. Mas lalo kang papangit! Tahan na!"

Napatingin na lang siya sa akin at bigla siyang umiyak ng umiyak sa aking balikat. Naaawa ako sa kanya, dahil sa ex niyang si Enoch kaya siya nagkakaganyan.

"Sob*sob*sob*bakit ganoon*sob*Stephen*sob*kahit*sob*niloko*sob*niya ako*sob*mahal ko*sob*pa rin*sob*siya*sob."

Iyak pa rin niya sa akin. Hinagod hagod ko lang ang likod niya. Sa ganitong paraan kasi ako makakatulong sa kanya. Humiwalay na kami sa pag kakayakap at tumahimik sandali. Tila ang buhos ng ulan lamang ang naririnig sa ngayon.

"Stephen, pwede ba akong mag bahagi ng kwento sa iyo?"

Tanong niya sa akin. Tumango lang ako at hinintay ang susunod niyang sasabihin. Nag inhale exhale muna siya bago niya sabihin.

"Noong bata ako,nagmamadali akong lumaki kasi gusto kong maranasan iyong LOVE na sinasabi nila. Pero ngayong malaki na ako,gusto ko nang maging bata ulit. Kasi narealize ko,mas madali pa lang gamutin ang tuhod na nasugatan kaysa sa pusong nasasaktan."

Nakita ko sa kanyang mga mata na nasasaktan siya. Naaawa ako kay Allison. Nasasaktan siya ng dahil sa isang lalaki. Mistake niya kasi iyon. Ang magmahal sa taong hindi ka naman mahal.

"Alam mo Allison, minsan hindi natin napapansin o nalalaman na Mali pala ang taong Pinag-ukulan natin ng Pagmamahal hangga't hindi tayo Nasasaktan,ngunit hindi doon nagtatapos ang lahat. Ang mahalaga natuto tayo at may napulot tayong aral,na Mali pala ang magbigay ng sobrang pagmamahal sa taong hindi marunong Magpahalaga."

Sabi ko. Naka tingin lang siya sa kawalan at tumulo ulit ang kanyang luha.Niyakap ko lang siya.

"Salamat Stephen ah! Kung wala ka siguro mababaliw na ako kakaisip sa mga kamalian ko. Salamat dahil itinuro mo sa akin at ipinakita mo sa akin ang kamalian ko.Wish ko na sana hindi ka magbabago. Salamat ah!"

Wika niya sa akin habang yakap yakap ko pa rin siya. Sana matuto siya sa kamalian niya. At sana mahanap niya iyong taong magmamahal sa kanya ng lubusan.

THIRD PERSON'S POV:

"Hanggang kailan ka hindi magpapakita sa kanila. Specially kay Jethro?"

Tanong niya sa pinsan niya. Nagkibit balikat lang siya at tumingin sa labas ng kanilang bahay.

"Bahala ka na nga sa buhay mo. Kapag hindi ka pa nagpakita sa kanya, baka makahanap siya ng iba tapos magsisisi ka."

Sarkastikong pahabol niya pa. Lumabas na lang siya ng kanyang kuwarto dahil ayaw niya ng makarinig ng ano pang masasamang sermon.

"Magpapakita na ako sa kanya sa tamang panahon. Pero sa ngayon, babantayan ko muna siya."

Bulong niya sa sarili

*****

Hi po!

Salamat po sa sumusuporta sa In Search of a Sweeter Song. Wish ko po sana maka 1k reads po ito. Kahit iyon lang po aking mahal na readers. Please READ,VOTE,SHARE & COMMENT naman po. :)

Thanks

~Blexxydust

IN SEARCH OF A SWEETER SONGWhere stories live. Discover now