Chapter 24.1 Coffee Shop

50 6 0
                                    

Chapter 24.1: Coffee Shop

MICAH'S POV:

"Hoy! Aking Prinsipe. Anong ginagawa natin dito sa airport?"

Tanong ko sa kanya dahil alam kong hindi ito ang papunta sa school. Pinag usapan kasi naming dalawa na susunduin niya ako sa bahay at sabay kaming pumasok pero hindi ko alam na papunta pa la kaming airport.

"Shhh... Basta may importante kasi tayong taong susunduin."

Ah.. Yun pala, pero sino?

"Who?"

I asked. Ngumiti lang siya at sumagot.

"Aaron."

AARON'S POV:

Miss me? Well sorry kung matagal akong nawala. Alam ko naman miss niyo ko eh! *grin* haha jowk lang pero aminin niyo na miss niyo din ako. Ofcourse namiss ko din kayo specially, her.

Yes siya! Kahit wala ako sa panahon na kailangan niya ng karamay, kaibigan at kasama pinaramdam ko sa kanya na hindi siya nag iisa. Na kahit malayo ay handa akong tumulong at gumabay sa kanya.

Marami akong nalaman. Mga sekretong nabunyag. At mga katotohanang nababalot ng kasinungalingan.

CHANEL MEXZUA YOUNG.

Isang pangalan na matagal ng nakatago. Matagal na patay sa lahat ng nakakakilala sa kanya. At sa lahat ng nagmamahal sa kanya. Of course, even I nagulat ng nalamang buhay siya at bumalik. Hindi bilang si Chanel, kundi bilang EZRA CASSEL CRUZ.

Paano ko siya nakilala at paano ko nalaman? Tsaka na kapag dumating na iyong sundo ko. Hahaha

STEPHEN'S POV:

"Stephen! May tumatawag sa iphone mo!"

Sigaw ng isa sa mga kateam mates ko. Agad kong pinasa ang bola sa isa ko pang kateam mates bago kunin ang iphone ko. Tinignan ko naman kung sinong tumawag at sinagot ito.

"Hello Kuya Sai? Napatawag po kayo?"

Sabi ko sa kabilang linya.

"Ah oo. Nandiyan ka ba sa room ngayon?"

Tanong niya sa kabilang linya.

"Nasa gym po ako ngayon kasi may praktis kami ng basketball. Bakit po kayo absent ni Micah? Hinahanap kayo ng mga teachers natin."

Narinig ko na lang siyang nagbuntong hininga sa kabilang linya.

"Tssk! Bayaan mo na yang mga teachers na yan! Tsaka ko na sasabihin. Basta punta kayo sa coffee shop malapit diyan sa school. Lahat kayo pwera lang kay Jethro. Hintayin namin Hintayin namin kayo doon. Geh bye!"

Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya dahil pinatay niya na ito. Ano kayang sasabihin sa amin ni Aaron? Hmmm.

Bumalik na ako sa classroom at sinabi ko sa kanila lahat lahat ng sinabi ni kuya Sai. Ang pinagkataka ko, bakit hindi kasama si Jethro?

AARON'S POV:

I sipped my hot coffee. Here we are, waiting for her. Tssk! Kahit kailan mabagal kumilos ang babaeng yon.

Nandito na kaming lahat. Si Achan, Micah, Kuya Sai, Allisson, Stephen at ang kanina pang tahimik na si Mapple. Tinignan ko siya. Mapapansin mo na may dinadala siyang problema. Ang sakit niya na amnesia at ang sakit sa puso niya na dahil sa kasinungalingan.

Napa iling na lang ako at nagbuntong hininga.

Naaawa ako kay Mapple. Marami namang tao diyan na pupuwedeng magkaroon ng ganitong problema. Pero bakit dito pa kay Mapple. Sa kaibigan ko at ang future sister-in-law ko?

Kailangan ko ng ayusin ang gusot na ito sa madaling panahon. Gusot sa magkapatid na ito.

CHANEL MIXZUA YOUNG

Isang pangalang nagdulot ng napakadaming sakit at problema. Sakit na maaaring matagal pang mag hilom at problemang maaaring hindi na maayos.

Bakit niya ba itinago ang sekretong ito? Bakit niya hinayang mangyari ito sa ate niya? Alam ko wala akong kapangyarihang husgahan siya pero may kapangyarihan akong tulungan silang dalawa.

EZRA

Hindi ko alam ang nilalaman ng pag iisip mo. Sana naman na realize mo at inisip ang consequences na maaaring idulot ng pag tatago ng sekreto. At sana matagal mo ng sinabi ang totoo para wala ng masaktan.

Tumayo ako at pumunta sa may salamin na bintana. Kinakabahan na ako sa pupuweding mangyari at kung ano man ang kalalabasan nito sana maging maayos ang lahat.

Napatingin kaming lahat sa babaeng pumasok. Ngumiti ako sa kanya at dumiretso sa pwesto niya. Akmang hahalikan ko sana siya sa pisngi kaya lang umiwas siya. Bumalik na ako sa dating pwesto ko. I sigh.

Kapag nalaman na nila ang totoo, sana maging maayos na ang lahat, upang wala ng masaktan pa, ng dahil sa isang kasinungalingan.

EZRA'S POV:

Ramdam ko ang grabeng pagtibok ng puso ko. Ramdam ko din yong kaba at pressure. Hindi ko naman alam kong anong nakain ni Aaron at pinapunta kaming lahat sa Coffee Shop niya but still! Ang alam ko lang, ito ay tungkol sa problemang ginawa ko. Or maybe not!

"Chanel Mixzua Young..."

Sabi niya. Nagulat ako. Paano niya nalaman ang buong pangalan ko?

May nag sabi ba sa kanya kung ano ang nangyayari? O baka sinabi nila Kuya Sai at Micah? Ay! Ewan! Hindi ko na alam!

"Ikaw..."

Ako? Ako ang ano?

(To be Continued)

IN SEARCH OF A SWEETER SONGDonde viven las historias. Descúbrelo ahora