Chapter 04

380 14 22
                                    

What did he just say?

Ako, may gusto sa pinsan niya na kanina ko lang din nakilala? He concluded that from a piece of paper that his cousin gave me?

Hindi niya naman nga dapat nakita iyon! Everett Alessandro did it so discreetly. Unless sobrang observant ni Eros kaya napansin niya pa pati 'yon.

"W-Wala akong sinasabing ganiyan."

"You don't like him then?"

"If you put it that way, it sounds wrong!" Nagpakawala ako ng malalim na hininga para kumalma, "Wala akong sinasabing gusto ko siya pero mali rin naman na sabihing ayaw ko sa kaniya."

Eros doesn't seem convinced with my answer.

That's not my problem anymore. Wala namang issue dito. Mabuti pang si Everett na lang ang tanungin niya nang malaman niyang wala akong ibang intensyon dito, taliwas sa iniisip niya.

Tinulungan ko lang naman 'yong tao na makapunta sa cafeteria nang makakain pagkatapos ng nakakapagod na game.

I would have done it for anyone else for sure, kahit sa mga teammates nila kung sila man ang naunang humingi ng tulong.

Nilagpasan ko na siya para makaalis na.

Ginabi na ako masyado, baka nag-aalala na ang mga magulang ko at nagtataka kung bakit wala pa ako sa bahay. Madalang pa sa madalang kung umuwi ako nang ganito ka-late maliban na lang kung may kailangang gawin at nagpaalam.

"Where are you going?"

Napatid ang paghinga ko nang marinig ko si Eros sa likod ko. I didn't even notice him following me. Ngayong tinanong niya ako ay natanto ko na mali ngang umalis nang basta-basta sa gitna ng pag-uusap.

Pero kasi, nakakahiya.

Nasa loob pa kami ng cafeteria, hindi ba siya naiilang na baka makita siya ng mga teammates niya na kinakausap ako? I glanced at them and felt unusually relieved that no one was looking at us.

Buong tapang ko na siyang hinarap.

"Uuwi! na..." I meant to say that with conviction but the moment I faced him again, I folded immediately.

What the hell is wrong with me?

"We were in the middle of a conversation."

"Alam ko. Sorry. Nawala sa isip ko na magpaalam pa."

The look on his face softened as soon as I uttered the word sorry. He gave a small nod before his eyes traveled to my arm.

"At least let me look at your arm. I can't help but worry I might have gripped it too hard to keep you from falling. Hindi ako nag-ingat."

Iyon pa rin ang inaalala niya?

At marunong naman pala siyang mag-Tagalog. He sounded good speaking in it. I don't know why but it bothered me, and not in a bad way.

Nanatili ang tingin niya sa akin. Hinihintay niya ang susunod na gagawin ko.

I showed him my very fine arm. Ilang minuto lang namula 'yon kanina at naiintindihan ko naman kung bakit mahigpit ang hawak niya. If not, I would've fallen to the ground. Nabigla pa siya sa lagay na 'yon, ah.

"Okay lang talaga ako,"

Tumango siya kahit na mukhang hindi pa rin kuntento sa sinabi ko. He didn't ask again though. Buti naman! I can't spend another second with someone who makes me feel like this. Hindi ko matagalan.

"Alright, then. Mag-ingat ka," he said.

"Sige. Kayo rin, at salamat." Salamat sa waffle at sa pagsalo sa akin kanina kaya 'di ako nasaktan. Siya na ang bahalang mag-interpret kung para saan ng pasasalamat ko.

As the Chains FallWhere stories live. Discover now