Chapter 13

265 13 46
                                    

"Eros!" I gasped.

Napatayo ako dala ng takot ko para sa kaniya. Hindi lang ako ang may reaksyon na ganoon, dahil kahit ang mga pinsan niya sa kabilang dulo ay tumayo rin at ang tingin ko'y kapatid niya ay lumapit sa barandilya para mas makalapit.

"Sadya 'yon," sabi ni Euanne. "I've been noticing it for a while. Grabe 'yung bantay nila kay Jaireh. It's understandable but they've been too physical with him."

She continued, "Eros knew it, too. Kaya nga pinasa niya agad kay Nemo bago pa agawin sa kaniya 'yong bola sa maruming paraan."

The game paused because of what happened. Naramdaman ko ang pag-init ng dulo ng mga mata ko at ang paghapdi ng ilong ko habang nakikita ko si Eros sa gitna ng field, hawak ang tuhod niya at halos mamilipit sa sakit.

I don't know if it's a good thing that his teammates crowded around him so I won't have to see him like that. Sabihin man na normal ang ganito sa mga laro... hindi maipagkakaila sa mukha niya na seryoso siyang nasaktan.

Magmula kanina ay mayroon nang mga nadadapa o nadudulas pero agad din silang tumatayo. Eros has slipped a lot of times too, actually and he goes back up again in a blink of an eye. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya tumatayo.

Nanahimik ang lahat ng nanonood. Hinihintay ang susunod na mangyayari. Lalo na rito sa side namin na kampi sa Caballeros. Worry and anxiety filled the air, and all I could hear was the wind and the sound of my beating heart that reached my ears.

"He's not wearing his usual shin guard. Malaki sa kaniya 'yong suot niya ngayon dahil kay Kuya Silas 'yon!" dinig kong sabi ng isa sa mga pinsan niya. Napapikit ako. I do not know what it is but it sounds important?! And somehow could lead him to injury!

I was about to come nearer to the barricades where his sister was but Euanne pulled me back and forced me to sit beside her. "Makikita ka roon. It's within the view of the people at the back if you go there."

"Pero si Eros!"

"He's going to be fine," she said, but I sensed hesitation from it. Malayo sa mga lagi niyang sinasabi dati na sigurado. It scared me a lot.

I want to know, am I overreacting? Hindi ba ako pwede sa ganitong klaseng bagay dahil mabilis akong nerbiyosin? Am I supposed to act cool and convince myself that he's going to be okay anyway?

I am not even his mother! Bakit sobra akong nag-aalala?!

Everyone cheered for him when he was in view. Hindi man lang sila umalis sa field. Doon siya nanatili at tinakpan lang ng teammates kanina. The game resumed... with him... in it.

What the heck?

Is this a joke?

"Maglalaro pa siya?!" pahisterya kong tanong.

Akala ko ay aalalayan na siya paalis! Papunta sa clinic o 'di kaya'y sa ospital para matingnan! The pained look on his face a while ago was serious!

Kakarampot na pasensya na lamang ang nagpipigil sa akin para sigawan siya mula rito na tumigil muna sa paglalaro at magpahinga. What is he trying to accomplish? Mamamatay ako sa nerbiyos!

Hindi siya umalis sa laro ni isang beses. He is efficient and has even scored a couple of goals, but I can notice how he's starting to just drag his hurt foot on the ground as the game is nearing its end. Mandalas ang pag-ngiwi at pagpikit niya sa sakit na nakikita ko sa tuwing natatapat siya sa amin.

Isang goal lang ang lamang nila sa kalaban. 4-3 ang laro, pero kahit may oras pa ay sa tingin ko, panalo na sila dahil pagod na rin ang kabila. Hindi madalas ang score dahil magaling masyado ang depensa ng parehong grupo.

As the Chains FallOù les histoires vivent. Découvrez maintenant