Chapter 28

258 12 2
                                    

"Anong pag-uusapan natin?" simple kong tanong, pero sa kaloob-looban ko ay kinakabahan na ako nang husto.

How could we possibly have something to talk about? Noong huli kaming nagkita, high school pa lang kami!

I opened the door wider as an invitation for him to come in, but he declined. Umupo siya sa mismong tapat ng aking pintuan, saktong-sakto lang na hindi siya lumalagpas sa linya papasok sa kwarto ko.

My brow shot up in confusion. "Huwag ka riyan. May upuan naman dito kung ayaw mong umupo sa kama. O pwede rin sa carpet. Huwag lang diyan sa labas, at mas lalong huwag sa sahig!"

Umiling siya, "I'm fine here."

Nakokonsensya ako habang pinapanood siyang nakaupo doon sa sahig. Suot niya pa ang pormal na long sleeves, tapos ang kurbata niya ay nakasabit pa rin mula sa kuwelyo, pero nakaluwag na iyon.

"Sigurado ka ba?"

"A hundred percent."

"Okay," sagot ko't umupo sa tapat niya.

Ginaya ko ang indian sit na pwesto niya, at wala naman siyang angal. Ngayong umupo na rin ako, mas naramdaman ko ang labis na tangkad at laki niya kumpara sa akin.

Sinubukan ko sa abot ng aking makakaya na huwag gawing big deal ang nangyayari ngayon, pero kahit papaano, kilala ko si Ethan Raziel. I used to have two people talk to me about him, and I have met him more than a couple of times, too.

Tahimik siya at mahilig magsarili. Kaya ang makita siyang nandito sa harap ko ngayon ay nakakapanibago, kahit hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin iyon dahil hindi ko naman talaga siya nakakasalamuha kahit dati.

"I want to tell you that it's really, really nice to see you again. To have you back here in the Philippines. It's, yeah... nice."

"It is nice to be back."

He's watching me as if he's weighing my words. If I meant what I just said or not. Nagdududa siya at nagtataka ako kung bakit. Although it's obvious that he has his questions, he chose not to voice them out.

Some things never change.

"Ethan," pagkuha ko sa atensyon niya kahit sa akin lang naman siya nakatingin. "Masaya ka ba sa ganito? With my mother and I being here, and her marrying into your family in the foreseeable future?"

"I have no reason to be unhappy."

"So, masaya ka?"

"Yes," he quickly answered, like it was automated. "Are you not?"

"My mother is happy."

"And that makes you happy?"

"It makes me happy."

Binalot kami ng katahimikan hanggang sa nabasag iyon dahil sa paghalakhak ko. Namula si Ethan Raziel at nagkamot ng batok.

"Damn, this is awkward."

"Oh? Awkward ba?" tanong ko, nang-aasar pero tumatawa pa rin, mas mahina nga lang ngayon. "Ngayon lang tayo nag-usap nang tayong dalawa lang, kaya normal naman 'to."

Ngumiti siya, "I agree. We're gonna have to talk more now that we live in the same house, though. I wanted to talk to you to make sure you're comfortable here, or not uncomfortable, at the very least."

Ang mga salita niyang 'yon ay milagrosong nakapagpagaan sa bigat na nararamdaman ko. The thought of having him around comforted me. Maybe it's because it's nice having a familiar face around, knowing that he's willing to talk to me. Mas mataas na ang tsansa na hindi ako mababaliw sa bahay na ito.

As the Chains FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon