Chapter 26

236 10 2
                                    

"I already told you. I'm from the Philippines."

"You don't look like a..."

"Filipino?"

"Yeah! That! You don't look like one."

Ngumisi ako sa sinabi ng kaibigan ko rito sa Alberta. Hindi ito ang unang beses na pinagtalunan namin ang nationality ko at hindi rin ito ang una na umakto siyang parang mas alam niya pa iyon kaysa sa akin.

Coincidentally, her name sounds a lot like a friend's name from back in the Philippines. Of course, I never told her that. Magkaiba naman sila kahit papaano, pero parehong maarte.

"You obviously haven't seen a Filipino, then. And it's not good to tell people that. What if others take that as an offense?" pangaral ko sa kaniya.

Ngumuso siya at tumango, pero bumulong na parang hindi pa tapos sa ipinaglalaban niya. Umiling na lang ako at hinayaan siya.

Huminga ako at nakita ko sa hangin iyon dahil sa lamig. "I have to go, my aunt is waiting for me at home." pagpapaalam ko. Alam kong pipilitin niya akong manatili pa pero nagmadali na ako dahil nilalamig na ako.

The weather here in Canada is nothing like the Philippines'. It took me quite a while to adjust, and to be completely honest, I still haven't. Tuwing tag-lamig tulad ngayon, nami-miss ko ang init sa Pilipinas, pero maaalala ko kung gaano pala kalala ang init doon kaya tinitiis ko na ang lamig dito.

Pagpasok na pagpasok ko sa aming pintuan, dalawang bata ang tumakbo papunta sa akin para salubungin ako ng yakap.

Apparently, I had no fight against a five-year old and a three-year old when they tackled me. Nahulog ako sa sahig at dumagan sila sa tiyan ko, tumatawa.

"I surrender!" wika ko, at tumawa sila ulit. Napangiti ako at hinayaan silang daganan ako kahit na masakit. Nasanay na lang ako sa kakulitan ng dalawang ito. Ako ang nag-alaga sa kanila magmula nang mapunta ako rito.

"Stop terrorizing your Ate Blaise!" bulyaw ni Tita Rui sa mga anak. She hurried to help me stand up. "Mga batang 'to!"

Nagpabuhat sa akin si JB, ang mas bata. Si JV naman ay lumambitin sa binti ko kaya napayuko ako. They are both very healthy boys, kaya syempre, kung ikukumpara sa balingkinitan kong katawan ay mahihirapan ako.

"Blaise! Blaise!" JB cheered. Hirap kasi silang bigkasin ang Sienna, at noong una, pati ang L sa Blaise ay nagtutunog W sa kanilang pareho sa mga panahong hindi pa masyadong developed ang pananalita nila.

"Did you get the hot-stuffed buns?" JB asked.

Tumango ako at inangat ang paper bag na naglalaman ng paborito nilang pagkain. Iyon pa lang ang tuluyang nakapagpatahimik sa kanila dahil nagmadali silang umupo sa carpet para pagsaluhan iyon.

Bumalik si Tita Rui sa kusina. Binitiwan ko muna ang bag ko sa counter na naghihiwalay sa sala at kusina bago ko siya sinundan. Tumayo ako sa tabi niya habang abala siyang nagluluto.

"Ako na lang po diyan."

"Tsk! Huwag na! Nag-aral ka buong araw, 'nak. Ang dapat mong ginagawa, nagpapahinga! Leave this to me, okay?"

"Seryoso po?"

"Hindi naman ako komedyante, Sien." aniya sabay halakhak. "Kumusta pala ang klase mo? Tinantanan ka na ba noong may crush sa'yo? Sa bagay, sanay ka na dapat sa mga 'yan. Habulin ka masyado."

Nasa mood ako para makipagdaldalan kay Tita kaya nagtungo ako sa lamesa. Pinanood ko ang likod niya habang nagluluto siya at nagsasalita pero paminsan-minsan ay lumilingon siya sa akin.

As the Chains FallWhere stories live. Discover now