Chapter 27

220 9 2
                                    

After almost three hours of sitting still in a car from Manila back to Pampanga, we stopped in an exclusive subdivision in San Fernando. To be specific, we stopped in front of a mansion.

Her hair in an updo and her dress hugging the flawless curves of her body, Mama went to me as soon as I got out of the luxurious car she sent for me.

Sinalubong niya ako ng yakap. "Anak ko! I missed you!"

"I missed you too, Ma."

Hinalikan niya naman ngayon ang pisngi ko. Hindi ako mapakali dahil sobrang naninibago ako na nasa harap ko na ulit si Mama pagkatapos ng mahabang panahon na hindi ko siya nakikita.

"Bakit ginabi kayo, anak?"

"Sobrang traffic po sa Maynila, Ma." sagot ko at hinalikan siya sa pabalik pisngi. Mabilis kong inilipat ang tingin ko sa mansyon na matayog na nakatayo sa harap namin. Nasa labas pa lang ako pero nalulula na ako.

Lumunok ako. "Dito po ba tayo tutuloy?"

"Well, yes." She grinned. "Do you like it?"

She had pearls on her neck as a necklace. Matagal na iyon na nasa kaniya pero matagal niya na ring hindi naisusuot iyon dahil wala naman kaming napupuntahang nababagay na okasyon para sa mga iyon. Ngayong nandito siya sa tapat ng marangyang bahay na ito, saktong-sakto lang.

Bagay na bagay siya sa ganitong buhay. I don't have the heart to act anything less than happy for her. Since I was young, I have always imagined giving her a house as grand as this, because she deserved it. Ngayong nandito na, kahit hindi ako ang may bigay, ang mahalaga ay nakuha niya na ang nararapat na para sa kaniya.

"This is Javier's house here in the city," she said lightly.

Tumango ako at sumunod sa kaniya nang ambang papasok na siya sa engrandeng pintuan papasok sa mansyon na ito. "Javier? Iyon po ang pangalan ng... mapapangasawa niyo?" That was hard to say.

Tumigil siya sa paglalakad para humarap sa akin. Pagkatapos ay ngumiti siya. "Yes."

"T-That's a nice name."

Hindi ako komportable, at parang masyadong halata iyon.

She looked weirded out but answered, "It is," anyway.

If the mansion looked beautiful from the outside, it's just straight out majestic on the inside. The high ceilings are probably the highest I have ever seen. Pagpasok pa lang ay makikita na sa malapit ang malaking spiral staircase na paakyat sa pangalawang palapag.

I could even see the detailed black railings of the second floor. Kahit saan ako tumingin, pulido ang lahat ng detalye, maging sa mga pader na hindi ko mawari kung kulay puti ba o beige dahil sa ilaw. Hindi ko lubos maisip na may ganitong klase ng bahay sa puso ng siyudad.

"G-Grabe, Mama..."

"Why? Do you not like it?"

I never had the chance to get used to this, so I am quite overwhelmed, knowing that I would have to stay here. Pero dahil si Mama, laking yaman, sobrang natural na sa kaniya na naririto sa ganitong klaseng bahay.

I have always been honest with my parents. Pati ang mga maliliit na bagay ay sinasabi ko sa kanila dati dahil mabilis akong makonsensya sa pagtatago o pagsisinungaling... pero ngayon, hindi ako makapagsabi ng kahit anong posibleng ikalungkot ni Mama.

"Sobrang ganda nga po, Mama. Kahit sino siguro ay magugustuhan ang bahay na 'to."

"'Di ba? Sobrang ganda. Sinabi ko rin iyan noong unang beses kong makarating dito. One of the businesses of his family is an architectural, engineering, and construction firm. They renovated this to the point where even the crown moldings were intricately thought of."

As the Chains FallWhere stories live. Discover now