Chapter 05

376 15 34
                                    

Euanne smiled at me after hearing her cousin's answer. Tinaas-baba niya pa ang kilay niya habang makabuluhang tumingin sa akin.

"I told you, Sienna. Magkakasundo kayo noon."

Hindi niya alam na binigyan ako ng number ni Everett Alessandro. Number na hindi sa kaniya. Until now, I can't figure out what he was trying to accomplish when he did that! Na-stress lang naman ako kay Eros na sumagot doon sa tawag!

"There are a lot of kind people, Yu." Sylvester slash Syljan said. Siya na ang tuluyang kumain sa ice cream ni Euanne at hinahayaan lang siya.

"And?"

Si Eros ang sumingit, "Going by your logic, lahat ng taong mabait ay makakasundo ni Sienna. That's not how it works. Just because he is kind, doesn't automatically mean they'll click."

"What's your deal? Akala ko ba they'd go well together as friends? Mind you, those were your words, ha. Not mine."

"I'm just saying."

"You have a point, but Evo's fine. Kaysa naman sa'yo?"

Alam kong nagbibiro lang si Euanne pero bayolenteng nilingon siya ni Eros na parang hindi natuwa sa sinabi niya. Kahit ako ay hindi makapaniwalang sinabi niya iyon nang walang pag-aalinlangan at hindi man lang kumurap!

Inirapan lang siya ni Euanne at bumaling na sa akin, "Whatever. Si Sienna ang tanungin natin. Evo is kind naman, right?"

Kuntento na ako sa pakikinig lang sa kanila kanina. Ngayong napunta na sa akin ang usapan ay syempre, nasa akin na rin ang tingin ng tatlo. I'm not bothered with Syljan looking at me, though. Itong katabi ko lang talaga.

Lumunok muna ako bago nagsalita dahil pakiramdam ko'y nanuyo na ang lalamunan ko dahil sa mahabang pananahimik.

"Oo naman. We got to talk a little noong may match sila sa LM, noong nakaraang buwan lang. Ayos naman. I haven't talked to him since then."

"You want to talk to him again?"

"Ayos lang kung oo. Ayos lang din kung hindi." I went with the safe answer to Eros' seemingly dangerous question.

Sana pala ay hindi ko na lang binanggit kay Euanne noon na nakuha ni Everett ang atensyon ko. She won't stop with this new agenda of hers. Now, I'm not even sure whether it was actually Everett Alessandro or Eros I was looking at when I said that.

Syljan spoke, "Why not? There's Eros. He's the closest to him. If you need a wingman, he's the right guy."

"If you need a wingman to get the guy, he's not worth it."

Euanne agreed, "That's true, pero bakit napunta sa usapan na magiging sila? Who said that? Friends lang, 'no. She needs more friends, kaya kanino ko pa siya ipapakilala kung hindi sa mga kakilala ko rin? I won't lure her into someone bad..."

"...But how come you said that? Kapag ba ikaw nagkagusto, ikaw ang susunod nang susunod doon sa babae, Jaireh? Ikaw ang may kailangan ng wingman?"

Eros didn't answer. Inubo si Syljan doon kaya inusog ko sa kaniya ang baso ng tubig na wala namang may-ari sa amin para makainom siya.

Iiwas na sana ako sa usapan at kakain ulit pero naubos ko na pala ang ice cream. Kadalasan ay matagal bago ako makaubos nito dahil nangingilo ang ngipin ko, pero napa-stress eating yata ako ngayon.

Eros raised his hand, grabbing the attention of the nearby waiter. Hindi lang ang waiter ang pumansin sa kaniya. Kanina pa sila pinagtitinginan ng mga tao dito sa loob kahit pa-simple lang.

"Yes, sir? Anything I can do for you?"

"Two more bowls of ice cream, good for two in each. Same flavors as those." Itinuro niya ang bowls namin ni Euanne na ngayon ay wala nang laman.

As the Chains FallKde žijí příběhy. Začni objevovat