Chapter 23

211 9 1
                                    

Wala akong karapatan na magreklamong pagod na ako. Hindi pa ako pwedeng mapagod. Malayo at matagal na panahon pa bago ko dapat i-konsidera iyon, dahil sa ngayon, wala akong ibang gusto maliban sa gumaling si Papa.

"Oh, miss. Hindi ka pa natutulog?" Isang nurse ang pumasok dito sa ward para kuhanan ng blood sample ang aking ama sa pangalawang madaling araw namin dito sa ospital.

Umiling ako, "Hindi pa po."

"Matulog ka na habang tulog si Sir."

Umiling ako ulit. "Ayos lang po..."

Paos ako kaya hindi iyon lumabas nang maayos. Kanina pa siya pabalik-balik dito at sa bawat pagdating niya ay gising ako at nasa iisang pwesto lang, kaya natural na mag-aalala siya para sa akin.

"Ikaw lang ba? Nasaan si Mama mo?" Her voice reminded me of my own. These nurses have qualities that make me feel comfort for some reason I cannot really specifically say. It's just been that way since then.

Sinabi ko sa kaniya ang sitwasyon, pero hindi ang lahat. Ibinahagi ko lang na nakapaghanap si Mama ng trabaho sa gabi, tapos sa umaga ay nasa palengke, tapos sa hapon ay mayroon ulit. Sigurado akong wala rin siyang tulog.

"Balak niyo bang ilipat si Sir sa private hospital?"

"Maayos naman po rito sa inyo..." sabi ko, kahit na alam kong mas mapapabuti ang aking ama kung sa pribadong ospital kami. Ayaw ko lang aminin iyon sa nars na ito dahil alam kong hindi nila kasalanan na kinukulang sila sa makinarya at sa mga staff... kaya nahihirapan kami rito minsan.

Mahirap magbintang ng mga biktima lang rin. Iyon ang sabi sa akin ni Papa kaninang nagising siya. Nagrereklamo kasi ako kung bakit parang ang bagal ng pagdating ng tulong, kung bakit walang makinarya na kailangan niya. Sobrang nakakapag-alala kasi at hindi ako mapakali kaya hindi ko napigilan.

Stage 4 lung cancer. That is my father's diagnosis. Ang hirap intindihin ng katotohanan na iyon noong umpisa... at sa totoo lang, hanggang ngayon... pero wala naman akong magagawa kundi tanggapin iyon.

Pero hindi ibig sabihin na tanggap ko, hindi na masakit. Hindi ibig sabihin na handa akong lumaban, hindi na ako nagtatanong. Marami akong katanungan sa isip ko na walang makasasagot. Una na riyan ang... bakit si Papa?

Bakit siya pa?

I would never wish illness upon anyone, but I do know that people get sick and it is a normal occurrence in life. I just don't understand how fate chooses who gets to live with illness and who gets to live freely.

Ano ang basehan?

Ngayon, hindi ako makatulog. I can't bring myself to fall asleep, even if my body wants it. Natatakot ako na habang mahimbing ang tulog ko, tsaka magpasya ang tadhana na kuhanin ang aking ama. Takot na takot ako.

Kaya hindi. Hindi ako matutulog. Babantayan ko siya at gagawin ko ang lahat ng pwede kong gawin para masiguradong komportable at maayos siya buong araw at magdamag.

Saktong pinagmamasdan ko ang pagtaas-baba ng kaniyang dibdib para makita ang paghinga niya, nang bigla siyang umubo at umupo bigla mula sa pagkakahiga. Mabilis akong dumalo kasama ang palanggana niya.

There's blood in his cough. Noong una kong nakita iyon, nanghina't nanlambot ako, halos ayaw kong makita. Hinding-hindi ako masasanay na ganito siya, pero tinitiis ko na lang dahil kailangan niya ng tulong ko.

May lumandas na luha sa pisngi ni Papa. Ayaw niyang isa-boses ang sakit na nararamdaman niya. Kilala ko na siya, ayaw niya lang na mag-alala pa ako lalo... pero kitang-kita sa mukha niya ang sakit.

Nangayayat siya nang husto. Masyado akong naging abala sa mga bagay na walang kwenta na hindi ko man lang namalayan na matagal na panahon na pala simula noong pumayat siya nang ganito. Noong isang araw ko lang ito napansin... at nakagagalit sa sarili iyon.

As the Chains FallWhere stories live. Discover now