Chapter 16

369 12 7
                                    

I watched him nervously. Nakangiti siya, at mukhang totoo naman, pero natatakot pa rin ako na baka hindi niya naman pala nagustuhan at nagpapanggap lang siya!

"You made this for me?"

Bumaling siya sa akin pagkatapos ng mahaba-habang pagtitig doon sa sweater na itinahi ko buong bakasyon. Kulay maroon iyon, at nanghula lamang ako ng size niya na... hinulaan ko base sa huli naming yakap.

Tumango ako.

"Woah, really?"

It's weird how he looks so pleased when I honestly expected my gift to be nothing like what he usually gets. Pero heto siya, labis ang tuwa dahil lang sa simple kong regalo.

"Really, Eros."

Malawak ang ngiti niya, litaw ang ngipin, nang walang pag-aalinlangan niyang isinuot iyon sa harapan ko. Kasya niya, at may kaunti pang allowance ang size. Ang galing ko pala! Bagay niya!

"Wow," ulit niya sa sinasabi mula pa kanina, sabay iling, hindi makapaniwala. Humalakhak ako nang umikot siya para ipakita sa akin iyon na mukhang ipinagyayabang pa.

Nakakatuwa naman.

"Wow, Sienna. Thank you, really. I love it."

"Walang anuman," sabi ko nang sa wakas ay naginhawaan. He liked it, and I made it for him! "Actually, salamat din, kasi sa'yo galing ang mga materyales na gamit ko para riyan."

"You're welcome, but this is all you. Ikaw ang marunong nito, I merely gave you a gift and you turned it into something." Napansin niya siguro ang kaninang pag-aalinlangan ko sa reaksyon niya. "What's with that frown earlier? May problema ba?"

"Akala ko kasi, hindi mo magugustuhan..."

Paano ba naman, sigurado akong kayang-kaya niyang bumili ng mga sweater na mas maganda, dekalidad, at mamahalin kumpara sa ginawa ko. I just didn't know what else to give him... because it's like he already has everything.

"How could I possibly not like anything you give to me?"

"E-Ewan ko, baka may mas maganda ka nang gamit,"

Ngumiti siya. "Hmm? You think so?"

Tumango ako ulit at ngumuso. "Don't do that." pagbabawal niya. Palagi na lang niyang ayaw kapag ginagawa ko iyon!

Sinubukan kong umirap pero umatras din sa kalagitnaan dahil nailang ako. Hindi ko yata bagay ang pagsusuplada.

He chuckled and let his fingers run through my hair. "You should know that I like you, and everything about you. Gusto kong klaro sa iyon sa'yo. Remember it from now on. I don't want you doubting it."

The next days, hindi pumapasok si Euanne. She never skips school no matter how bad she wants to. Syempre, hindi ko mapigilan na mag-alala.

Buti pala at may cellphone na ako kaya nalaman ko mula sa kaniya mismo na may sakit pala siya—kaya mas lalo pa akong nag-alala.

Ang plano, kukunin ako sa school ng driver niya at ihahatid sa bahay nila. Ayos lang sa akin iyon. Kaya lang, hindi ko maintindihan kung bakit si Eros na naman ang nandito.

Lumabas na nga ako ng school papunta sa malapit na waiting shed. Nasabihan ko na rin si Eros na baka hindi kami magkita ngayong hapon. Pero heto siya, sa sasakyan niya, sa harap ko.

"What are you doing here?"

"Ouch." aniya pero bumaba pa rin naman at pinagbuksan ako ng pintuan ng front seat. Hindi siya mukhang nakikipagbiruan.

"Akala ko 'yong sundo ni Yu ang kukuha sa akin rito,"

He cocked an eyebrow. "Ako na ngayon.."

Pinagkrus ko ang braso ko sa aking dibdib. "Eros Jaireh."

As the Chains FallWhere stories live. Discover now