Chapter 06

302 15 5
                                    

Unfortunately, hindi iyon ang huling beses na nagpasaway si Papa. Hindi na rin naman nakakagulat, pero syempre, mas ayos pa rin kung pakikinggan niya kami dahil para naman sa kapakanan niya ang mga habilin namin.

Kahit pa hindi na ganoon kalala ang ubo niya tulad noong mga nakaraang buwan, mayroon pa ring pakonti-konti na hindi na tuluyang naalis.

Natural na mag-aalala ako. Aba'y kung ayaw niya namang magpatingin sa doktor, kahit alagaan man lang sana niya ang sarili niya!

Sinimangutan ko siya habang nandoon sila ni Mama sa sala at naglalambingan. Ngumiti siya sa akin. Thankful siguro na hanggang ngayon ay 'di ko siya nilalaglag kay Mama sa pagtanggap niya ng trabaho sa malalayo.

Iiwan ko sana sila roon dahil oras naman nila iyon para sa isa't isa, pero parang sobrang komportable nila sa bisig ng bawat isa kaya parang nainggit ako at gustong makisali.

"Ako din, Papa, yakap..."

Sumampa ako sa sofa at pumagitna sa kanila. Sa sobrang tamis ng pakikitungo nila sa isa't isa ay minsan nakakapagselos din pala! Gusto ko kasali ako!

Oo nga 'no, hindi ko naman na pala kailangan si Ethan Raziel at Euanne Cadence para maging third wheel kung ganito naman na ang mga magulang ko sa tahanan namin.

Nakisali nga ako sa yakapan nila pero hindi ko rin kayang matagalan kaya humiwalay ako agad. Humalakhak si Mama, "Sienna talaga, ano ba talaga, anak? Gusto mong sumali pero ayaw mo namang niyayakap ka."

"Nakakahiya naman kasi sa inyo po!" I said in the most respectful way I could and ran inside of my small room. Narinig ko na tinatawanan nila ako mula sa sala.

Minsan ay nagkukunwari akong nandidiri o naiilang sa tuwing ganito sila ka-sweet sa isa't isa, pero sa totoo lang ay sobrang init sa dibdib ng pakiramdam dahil alam ko na masaya sila.

I can't imagine them without each other.

Sigurado akong ganoon din sila.

Swerte ko na rin siguro na may mga magulang ako na mahal talaga ang isa't isa at mahal din ako. Wala akong mairereklamo sa parteng iyon ng buhay ko. Hindi ako kinulang sa pagmamahal.

"Bakit ka pinatawag sa faculty?"

Kababalik lang ni Euanne dito sa classroom dahil pinapunta siya sa faculty office kani-kanina lang. She looked so bored as she dragged her feet to the chair beside me.

Oh? Ano na naman kaya ang ayaw nito?

"Nothing. My parents sent someone."

"Ha? Bakit daw?"

Kung mga magulang ko ang nandito sa eskwelahan at nasa faculty office, baka pinagpapawisan at naiihi na ako rito dahil sa kaba!

Madalas naman ang mga magulang dito sa school dahil marami sa kanila ang hands-on, pero ang ibang mga magulang tulad ng akin ay pupunta lang kapag importante talaga.

Dumukmo siya sa lamesa niya kaya hindi ko na makita ang mukha niya. She answered with a muffled voice but I heard her just fine, "They gave Teacher Gale my letter of absence."

"Mag-aabsent ka? Kailan?"

Inaamin ko na medyo nalungkot ako roon pa lang. Siya lang kasi talaga ang nakakasama ko. Kapag wala siya ay mag-isa ako o kaya naman ay nakikisama sa mga kaklase kong hindi ko naman gaanong ka-close. Iba pa rin kapag si Yu.

"Starting tomorrow. Ay no, this afternoon pala. I won't attend the last class because I have to take care of some stuff first before we leave."

"Saan daw ang punta niyo?"

As the Chains FallWhere stories live. Discover now