Chapter 45

261 12 1
                                    

Nagising na lamang ako isang umaga dahil sa ingay na nanggagaling sa likod ng bahay. Sinubukan kong matulog pero nagpatuloy iyon, kaya nahirapan na ako. Tumayo na lang ako para tingnan ang nangyayari.

Sa lahat ng posibleng makita ko roon, ito siguro ang pinaka-hindi ko inasahan. Ang pawisan na si Eros Jaireh ang tumambad sa akin, nakatalikod at may hawak na palakol, nagsisibak yata ng kahoy.

"Eros? Anong ginagawa mo diyan?"

Lumingon siya pero ang ulo niya lang ang ginalaw niya para makasulyap. "Good morning," he said. "Tiya Priscilla asked for help."

"Help for what?" lito kong tanong.

Hindi naman kami gumagamit ng kahoy na panggatong. May lutuan naman dito at kung gustong mag-ihaw o magluto sa ibang paraan, may nagtitinda naman ng uling diyan sa tabi-tabi.

"I don't know," simple niyang sabi.

Sobrang dami kong tanong sa isip, pero uunahin ko na iyong pag-aalala ko na baka magkasakit siya. Hindi siya sakitin, kaso hindi ko pa rin mapigilang mag-isip ng kung ano-ano.

"Itigil mo na 'yan at magpalit ka ng damit! Pawis na pawis ka na. Paano kung natuyuan ka ng pawis? Magkakasakit ka!"

"Just a few more."

"M-Magkakasakit ka..."

He finally stopped. "Alright," pagbibigay niya.

Nagmadali akong pumasok sa loob para kumuha ng twalya at binalikan din siya agad sa labas. Naabutan ko siyang nakahubad na ang pang-itaas habang nakaupo siya sa may barandilya.

Naubos niya nang minsanan ang isang bote ng tubig bago siya tuluyang lumingon para tingnan ako. He reached out his hand to grab my arm gently and guided me in to stand in front of him.

Inabot ko sa kaniya ang twalya pero hindi niya iyon agad kinuha. Tiningnan niya lang iyon noong umpisa, pero kalaunan ay bumuntong-hininga at tinanggap para punasan ang katawan niya.

"Wala ka bang damit o ano? M-Magsuot ka na."

"It's drenched in sweat. Baka magkasakit ako, sabi mo."

"Pwede ka namang umuwi na sa tinutuluyan mo at kumuha ng damit. Marami ka naman siguro noon at hindi ka magkukulangan. Dalian mo na."

Mukhang masunurin siya ngayon at agad siyang tumayo para gawin ang sinabi ko, pero mas lalo lang akong nabahala dahil balak niya bang maglakad sa labas na nakahubad?! Hindi niya ba alam kung gaano halos maglaway ang mga kapitbahay namin kapag nakikita siya, at nakadamit pa siya noon, ha!

"Huwag kang lalabas nang nakahubad!"

Tumigil siya at hinarap ako. Kunot ang noo niya sa pagtataka. "You told me to change. I can't wear my wet shirt because you told me I'd get sick. Ano'ng dapat kong gawin?"

Irritation washed over me. Balak niya talagang maglakad sa labas nang walang t-shirt? Oh, edi sige. Tutal ay sanay na sanay na siya sa mga matang walang mintis na nanonoood at namamangha sa bawat galaw niya.

Tumango ako. "Sige. Bahala ka."

Matutulog na nga lang ako ulit. Maaga pa naman. Mamaya na lang ako mag-aaral. Binili ko kasi ulit 'yong mga libro na kailangan ko para hindi ako mapag-iwanan. Hindi ako titigil sa pag-aaral dahil iyon na lang siguro ang talagang akin.

I was already lost in my thoughts planning my day that I forgot about Eros in front of me. Noong makita ko na naman ang katawan niya, lalo lang akong nainis. Walang pasabi ko siyang iniwan sa labas dahil aalis na rin naman siya.

"Hey, hey–" habol niya sa akin.

Nakapasok na ako sa loob pero sinundan niya ako. I knew that my mother saw him enter. I am just not sure why she is not surprised. Ni hindi ko nga alam na nag-uusap na pala sila ni Eros para mahingan niya ng tulong.

As the Chains FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon