Chapter 38

267 12 1
                                    

Mula pagkabata, madalas na kaming magsimba ng mga magulang ko. Ang pananampalataya namin ay tinuturuan kami ng mga dapat gawin para mapunta sa langit, pati na rin ang mga kailangang iwasan.

Gusto kong malaman ngayon kung gaano kalaking kasalanan ang aminin na minamahal ko ang isang tao, na alam kong magdudulot ng sakit sa aking ina. I am going to disappoint her, for sure.

But how, where, and to whom do I ask for forgiveness?

Nahihibang na yata ako. Hinalikan ko lang naman si Eros Jaireh kagabi. Hanggang ngayon ay hindi ko iyon pinagsisisihan, pero mabigat sa pakiramdam na alam kong may nagawa ako kay Mama na hindi dapat.

"I can't have you regretting telling me that you love me, Sienna," wika ni Eros na kagigising lang. Naabutan niya akong paikot-ikot sa kwarto habang nag-iisip. Natulog siya sa couch ng hotel room ko kahit na pinilit ko siya na magpalit kami dahil ako ang kasya doon.

He stood up with a smile on his face and embraced me. "You love me," sabi niya na naman na kagabi niya pa pinapaulit-ulit. Ang pinagkaiba lang ay may tono na ng pang-aasar iyon ngayon.

I sighed, "Hindi ka pa ba babalik sa hotel room mo? It was paid to be occupied. Baka rin hinahanap ka na ni Evo o ni Regina. Kagabi pa sila nag-aalala."

He kissed my temple, then my nose, until he reached my lips. He hummed in satisfaction and even closed his eyes. "We just have to go down for breakfast, and we'll be fine."

"Anong oras pala ang check-out?" tanong ko.

"Kahit anong oras."

"Mauuna na siguro akong umalis after breakfast. May minamadali akong tapusin na group work. Hinihintay nila ako at nakakahiya na."

Kumalas na ako sa yakap namin at nagtungo sa cabinet para kunin ang huli kong damit na dala. It's a casual cream white shirt dress. Nagreklamo si Eros sa paghiwalay ko pero hinayaan ko lang siya.

"Ihahatid kita. Uuwi na rin ako."

Binalingan ko siya at tinapunan ng matalim na tingin. "Hindi pwede. Balak yata nila Hezekiah na i-try ang casino sa baba. Have fun with everyone else."

"Casinos aren't fun."

"Kahit na. Sumama ka sa kanila."

"Sino ba'ng nagsabi? They don't even do casinos."

"They'll try it. Try mo din. Samahan mo sila, para hindi sila magtanong o magtaka. Basta 'wag kayo magwaldas masyado ng pera."

Kumunot ang noo niya kaya agad kong inisip kung may mali ba akong sinabi. Humakbang siya palapit. "Ano ngayon kung magtanong sila? If they ask me who I am with, and I answer your name, would that be wrong?"

"Baka bigyan nila ng malisya iyon..."

"Ano naman nga? May malisya naman talaga."

"Pagtatalunan na naman ba natin ito?"

"If you kiss me, I'll reconsider."

Natawa ako at itinulak na siya papunta sa pintuan para palabasin. Mahina lang ako pero nagpapatianod naman siya kaya hindi ako nahihirapan. "Magbihis ka na rin at magkita na lang tayo sa breakfast table."

"Kiss me–"

"Bye!" huli kong sabi bago ko isinara ang pinto.

He's obviously so confident! Ibang-iba sa akin na kinakabahan nang husto magmula kagabi at nahihiya kapag inaasar niya ako o nanghihingi siya ng halik. Hindi ako sanay sa ganoon. The farthest we've gotten when we were teenagers was hand holding!

Natagalan ako sa pagligo dahil inuuna ko ang kilig na nararamdaman ko. Bigla na lang akong napapangiti kapag naaalala ko 'yung mga halik niya at titili ako nang mahina para mabawasan iyon. Ganito ba talaga iyon?!

As the Chains FallWhere stories live. Discover now