Chapter 09

290 13 6
                                    

"Nakatingin pa rin sila," bulong ko sa hangin.

Eros must have some extraordinary hearing abilities that he was able to hear that too. "I'm sorry," he said.

Kumirot ang puso ko sa paghingi niya ng tawad. Nawala sa isip ko ang mga litratong ipinakalat ni Ceslyane noong mismong segundo na nakita ko si Eros kanina.

Sa isang tingin ko lamangsa kaniya pagkatapos ng mahabang panahon na hindi ko siya nakita ay parang natunaw ang lahat ng pag-aalala ko kanina. It's bad, and it's now biting me back.

Kung hindi iyon naalis sa isip ko, hindi na siguro ako lumapit pa kay Eros... kahit na gusto ko. Ngayong nandito na siya kasama ko ay hindi ko na iyon mababago pa.

Napagbigyan ko ang parte ng sarili ko na hinihiling na mapalapit sa kaniya kahit papaano. Kahit minsan ay nakakapaso.

Sobrang hirap intindihin ng nararamdaman ko.

"Bakit nakatingin pa rin sila?"

"I don't know. I'm sorry,"

Ayan na naman siya. Kasalanan niya ba ito? Hindi naman, ah? Maliban na lang kung may kontrol siya sa mga mata ng tao at sa isip nila... pero wala naman dahil sa mga kwentong Sci-Fi lang posible iyon.

"Hindi mo kailangang mag-sorry."

I can't take it. I can't bear the idea of someone watching me and assuming bad things about me at the same time... because they say that children reflect their parents. If they think bad things about me, they're doing it to my parents too.

Kailangan kong makaalis dito.

Gusto ko na lang umuwi.

I stood up. Kita ko sa gilid ng mga mata ko mung paanong nabigla si Eros sa bigla kong pagtayo pero hindi ko siya magawang malingon nang tuluyan sa takot na baka maging malaking bagay na naman iyon para sa iba.

I have to be careful. Kapag napahamak ako ay hindi lang ako ang magdurusa. Ang mga magulang ko rin.

Sa sitwasyong ito... walang mangyayaring masama kay Eros. Hindi siya pag-iisipan ng masasamang bagay ng mga taong makakakita.

If ever, it won't be as bad. Mayaman siya at may pera na maaaring bagsakan kung may mangyari mang mali sa buhay. It's a guarantee that no matter what, he's going to be live a comfortable life.

I don't have that kind of guarantee.

I know that I do not have a fallback. No one has to tell me that. Alam ko iyon sa sarili ko at alam kong alam din iyon ng lahat. It's the unspoken truth.

"Are you... leaving?"

Labag sa loob akong tumango. Sa buong panahon na nasa Japan sila ay hindi ko na mabilang kung ilang beses kong inisip at inulit-ulit sa utak ko ang huli naming pagkikita.

Nilista ko ang lahat ng mga posibleng dahilan kung bakit gusto niya akong makita noong araw na iyon pero wala ni isa sa mga naisip ko ang may katuturan.

I stole a quick glance and I saw his small nod.

"Alright. I understand." Yumuko siya habang magkasalikop ang pareho niyang kamay at nakapatong sa tuhod niya ang kaniyang mga siko.

Mukhang ang lalim ng iniisip niya. Kumirot ang puso ko sa sitwasyon naming dalawa ngayon. For some reason, I hate that I have to leave like this.

"Sienna..."

Nabuhayan ako ng loob sa pagtawag niya sa akin noong ambang aalis na ako. Mabilis akong tumigil sa paglalakad para hintayin ang sasabihin niya. "Ano 'yon?"

As the Chains FallWo Geschichten leben. Entdecke jetzt