Chapter 12

260 12 7
                                    

Binitiwan ko ang pisngi niya. His eyes followed my hand as I brought it back to my side. Binalik niya rin naman agad ang tingin sa akin, naghihintay pa rin ng sasabihin ko. I felt pressured to say something, anything...but what was I supposed to say?

Pinagmasdan ko siya sa pagsubok na maintindihan ang mga sinasabi niya pero wala talaga. Nag-iwas siya ng tingin kasabay ng marahas na paghinga at bumaling sa kaniyang gilid, dahilan para ang ma-depinang panga niya na naman ang makita ko.

"Don't say that, Eros. Ikaw lang din ang mahihirapan kung magagalit ka sa kanila, 'di ba? Because you'd carry it with you. Hindi na rin nila gagawin iyon ulit..." Natigilan ako dahil hindi ako sigurado sa huli kong sinabi. "Do you think they'll do it again?"

"They won't. I'll make sure of it."

"Paano?"

"Trust me, please. I promise you, they won't do it again."

May umusbong na pangamba sa akin nang dahil sa sinabi niya. Ibig niya bang sabihin... "Lalayo ka na ba ulit? Pagkatapos nito? Kaya ka ba sigurado na... hindi na nila ako sasaktan ulit?"

I was no longer able to mask the worry in my voice. Halatang-halata ang takot at kaba ko na baka iyon nga ang gagawin niya. Ano na lang ang isasagot ko kung tanungin niya ako kung bakit ganito ang reaksyon ko?

Kinabahan ako lalo sa pag-awang ng labi niya. May bakas ng gulat sa mukha habang tila sinusuri ang bawat sulok ng aking mukha, parang sinusubukang hulaan ang iniisip ko.

"Is it bad if I don't want to stay away?" bulong niya, sapat lang para marinig ko. Sapat din para magdala ng kung anong nagwawalang sensasyon sa aking tiyan.

"Nagawa mo na dati..." nagtatampo kong sabi.

Oo, nagtatampo!

Inaamin ko na, kahit hanggang ngayon ay hindi malinaw sa akin kung bakit grabe na lang ang dami ng mga nararamdaman ko pagdating sa kaniya, na dati ay hindi ko naman alam na posible palang maramdaman!

"Just because I've done it before, doesn't mean I liked doing it. Sa tingin mo ba, ginusto kong lumayo? If I had a choice to think just about myself, do you think I would have stayed away?"

"Hindi ko alam!" depensa ko sa mga ibinabato niyang tanong.

He closed the little distance between us when he took a large step forward. This time, I didn't take a step back. He crouched a little once again so we'd meet eye to eye.

I let him do it.

I let myself feel everything from it.

"I didn't want to do it, but I tried because I thought it's best for you. Tell me, was I right to think so? Was it better while I was away? If it was, then..." He licked his lips, "...maybe I can try again. For you."

My lips were starting to pout by themselves to stop myself from completely frowning. Gusto niya na ba talagang lumayo? Why is he asking like it is up to me?

Umiling ako bilang sagot.

"What was that?" he asked. "I need words. What is it?"

He looked impatient as he was waiting for an answer from me. Natagalan nga naman talaga ako. Hindi ko na nakayanan nang magtanong siyang muli, puno ng panunuyo sa boses.

"Sienna, tell me, can I stay?"

Tumango naman ako ngayon. Umahon siya sa pagkakayuko at tumingala sa langit nang makita akong sumagot sa wakas. "Then, I will stay."

Nabuhayan ako ng loob. Panigurado ay nag-uumapaw na sa pag-asa ang mga mata ko ngayon dahil sa sinabi niya. Nagtatatalon at nagkakagulo na ang tila mga buhay na nilalang sa sikmura ko.

As the Chains FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon