Chapter 41

255 13 7
                                    

"Ma, anong plano? Anong mangyayari?"

Pareho kaming hinihingal habang tumatakbo kami palabas ng Palacio. Wala namang sumusunod sa amin, pero determinado si Mama na makaalis sa lalong madaling panahon.

"We are going away. Aalis tayo."

"Si Tito Javi? How about the wedding?"

"There is no wedding! I never wanted to marry him!" malakas niyang sabi habang tumatakbo pa rin kami.

Noong makalabas na kami sa malaking pintuan at ang hagdan pababa sa hardin na ang nasa harap namin, binawi ko ang kamay ko na hawak-hawak niya.

"Mama... Sinaktan natin sila."

She did not answer. Sa halip ay kinuha niya ang cellphone niya at may tinawagan. Narinig ko na nagpapasundo siya sa kung sino, pero hindi ko na pinagtuonan pa ng pansin iyon dahil naaninag ko ang Navigator ni Eros na paparating.

Nang makalagpas iyon sa gate mula pa sa malayo, nakita ko kung paano humarurot iyon papalapit. I hurriedly ran down the stairs to go to him. Hindi niya ipinarada nang maayos ang sasakyan at basta-basta lang siyang bumaba.

"Jaireh!" I called.

Naririnig ko ang protesta ni Mama sa likod pero hindi ko siya pinansin. Tumakbo ako papunta kay Eros at niyakap siya nang sobrang higpit. I heard him heave a deep sigh of pure relief.

"What the hell is happening? I was so worried."

Nilingon ko si Mama saglit at nakita kong naabutan siya ni Tito Nathaniel at ng iba pang mga Escadejas.

Natakot ako bigla at ambang tatakbo para daluhan siya pero hinawakan ni Eros ang baba ko para igiya sa direksyon niya.

"Señorita, what is happening?"

"Eros, we're leaving." I said. I did not want to make the same mistake as I did back then. Gusto kong sabihin sa kaniya ngayon ang natatangi kong alam. Aalis kami.

Ang pag-aalala niya ay mabilis na nahaluan ng takot. His eyes could not focus on the information he just received.

"Saan tayo pupunta?"

Umiling ako kahit na parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa tanong niya. My Jaireh. He's... himself.

"Not us, Eros... Kami ni Mama ang aalis."

"S-Saan..." Hirap siyang magsalita.

"I don't know. We hurt your family. They hate us now, Jaireh. H-Hindi ko masabi sa'yo ngayon dahil gusto ko na 'yong huling alaala ko sa'yo ay alaala na mahal mo pa ako at hindi ka galit sa akin."

"No, No... Sienna." He pleaded. "Saan tayo pupunta? Sasama ako sa inyo. Wala akong pakialam kung anong ginawa niyo. J-Just take me with you. Tell me everything later, and we'll... figure it out."

Ubos na ang mga luha ko pero alam kong umiiyak ang bawat piraso ng kaluluwa ko dahil sa pamamaalam na kailanman ay hindi ko hiniling.

"It's not that easy, Eros. S-Sinaktan nga namin sila! Pumasok ka roon at itanong mo sa kanila ang lahat. Sasabihin nila sa'yo... at pinapangako ko na hinding-hindi mo na ako gugustuhing makita ulit."

"That's fucking impossible!"

"I am telling you, Eros Jaireh! Kapag sumama ka sa akin ngayon, masasaktan mo lang sila lalo! Hindi ko na kayang dagdagan pa ang mga sugat ng pamilya mo!"

The determination in his eyes scared me to death.

"Then let's break all of their hearts. I will break all of their hearts if it means saving yours."

As the Chains FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon