Chapter 14

265 13 17
                                    

Magmula kanina ay pinagmamasdan ko si Euanne dahil hindi ako makapag-desisyon kung kukumustahin ko ba sa kaniya si Eros o huwag na.

She glanced at me from the side of her eyes, obviously bothered by my stares but continued to eat anyway. Ilang segundo pa ay mukhang hindi niya na nakayanan kaya binitawan niya ang metal chopsticks na hawak.

"Sienna, what? You're weirding me out. Just say what you wanna tell me. Is it the assignment? An assessment? Eros? What? Fire away."

"Eros?!" Nabigla ako. Bakit niya naisip o naisali si Eros sa mga maaari kong itanong sa kaniya. I mean, she's not wrong... pero bakit?

"Yes. Ano, hindi ba siya? Tell me I'm wrong."

Syempre, tama siya!

"Paano mo nalaman?"

"Duh." Umirap siya. "You're talking naman, right? Ano bang sinasabi niya sa'yo and why do you still have to ask me?"

She's right. Nagkakausap nga kami ni Eros. Madalas nga, e. Halos araw-araw kaya madalas din akong lumabas ng bahay para maki-connect sa WiFi nila Veronica. Hindi ko nga lang siya nakausap kagabi dahil nakatulog ako agad.

"Nag-uusap kami pero gusto niya palagi na tungkol sa akin ang usapan. Noong tinanong ko siya kung kumusta 'yong injury niya, sabi niya It's fine, tapos 'yon na ang lahat ng alam ko tungkol doon."

Akala ko naman ay may alam si Euanne kaya niya ako hinayaan na tanungin siya, pero iyon pala ay pareho lang kami ng nalalaman. Eros Jaireh is in the Escadejases' hometown which is apparently far from here, to recuperate from his injury.

"Bakit kailangang doon pa?"

"His grandparents would rather have him there, especially now that he's injured. Much better nga if he's there. It's peaceful and quiet back in their ancestral mansion, a good place to heal."

Kumunot ang noo ko. Is it really that bad? Na kailangan niya pang pumunta sa malayo para lang magpagaling? It's not been too long since I last saw him but it feels like forever.

But then... if it's better for him...

Mukhang nabasa ni Yu ang iniisip ko. "Are you seriously worried about Jaireh?" tanong niya na may bakas pa na hindi makapaniwala.

I can't believe it too, okay? Ano pang magagawa ko kung hindi ko na mapigilang mag-alala pagdating sa kaniya?

Ang sabi-sabi, mas gagaan ang buhay kung kaunti lang ang inaalala... pero wala na akong magagawa kung nadagdagan na! Everything is confusing me!

"Syempre. Nakita ko kung paano siya na-injure."

"Yet he continued playing. Which means he's fine. I bet he's playing football around their estate." Napaisip siya, "Pero baka rin hindi. Mapapagalitan. He and his cousins hate making their abuela upset."

Hmm. Tutal ay alam ko na kung paano pakisamahan ni Eros ang mga pinsan niya, hindi na kataka-taka kung mabait din siya sa kaniyang lolo at lola. Iniisip ko pa lang sa imahinasyon ko kung paano siya sa kanila ay nakakataba na ng puso.

Surely, if I had known my grandparents too, I would treasure them so much. Sayang lang at hindi ko na sila nagawa pang makilala.

Si Euanne naman ngayon ang nakatingin sa akin. It's like she's comtemplating whether to say what she has in mind but went through with it anyway. "I know it's not my business... whatever it is that's going on... between you two... but I won't get tired of telling you this. Be careful."

Pakiramdam ko ay may pinaghugutan siya noon mula sa sariling karanasan o kung ano... at kahit papaano ay alam ko na ang tinutukoy niya.

"Magkaibigan lang—"

As the Chains FallDove le storie prendono vita. Scoprilo ora