Chapter 39

257 11 2
                                    

"Ang sakit ng tiyan ko, shit."

Binalingan ko si Nehemiah na kanina pa nananahimik. Nasa isang patio kami ng restaurant, katatapos lang magdinner sa loob, at ngayon ay drinks at dessert na ang inihahain sa amin. Mukhang magtatagal kami rito.

"Bakit? Pare-pareho lang tayo ng kinain."

Bago niya pa man nasagot ang tanong ko, nakita ko na ang nakapatong sa lamesa sa harap niya. Nginiwian ko agad siya.

"Nasobrahan ka na naman sa Yakult. Sa lahat ng taong nagpapakalasing, 'yan pa ang pinili mong inumin."

"Sarap n'on, e. Nakakabitin ang isa lang!"

His face twisted in pain, and I cannot tell if it is exaggerated, knowing Nehemiah. There is a good chance that it does not really hurt like he claims it to be, but he deserves the benefit of the doubt.

"Gusto mo na bang humiga?" tanong ko. "Sasamahan na kita," presinta ko dahil balak ko rin namang magpahinga nga. Maiiwan pa ang iba dito hanggang sa paglalim ng gabi at hindi ko na sila masasabayan.

Noong tumayo na kami, boses ni Eros ang narinig ko. Akala ko ay hindi na nila mapapansin dahil may kaniya-kaniyang pag-uusap halos sila. He's been talking to Regina on the other side of the table.

"Saan kayo pupunta?"

"Babalik na sa casita," simple kong sagot.

Patalikod na kami ni Nehemiah nang marinig ko ang paggalaw ng upuan. Alam ko agad na si Eros ang tumayo kahit hindi ko tingnan. Ang susunod na lang na nangyari ay kasabay na namin siya sa paglalakad.

"Nemo, napano ka?"

"I'm dying, Jaireh. Don't make me speak."

Ang iritadong boses ni Eros sa unang tanong para sa pinsan ay biglang nabahiran ng pag-aalala sa sumunod. "Why? Ayos ka lang?"

"Stupid question!"

"Stupid answer!"

Hindi ko napigilan na mapabuntong-hininga sa kanilang dalawa. Halos maghingalo na si Nehemiah sa sakit ng sikmura niya. I know how much that hurts, so I am worried. Mabuti nang bumalik na kami.

Pagpasok namin, agad dumiretso si Nehemiah sa isang parte ng casita kung saan ang kama niya. Sumalampak siya agad doon. Si Eros ay umupo sa kama ko habang pinapanood akong maghalughog ng bag ng mga gamot na ipinadala sa amin nina Tita Geneva. I have grown accustomed to addressing them and the other heads of the family as that, mostly because they all wanted me to.

"You weren't talking to me all day," Eros said sternly. Ramdam ko ang titig niya sa akin pero inabala ko ang atensyon ko sa medicine kit namin. Sinara ko iyon nang makahanap na ako ng gamot para kay Nemo.

"Hmm?" I inquired because I did not register his words.

"I said, you weren't talking to me all day."

"Talaga?"

"Hindi mo man lang nga ako pinansin."

I could almost feel the pout in his voice. Nilingon ko siya mula sa mga balikat ko at ngumiti nang marahan bilang paghingi ng pasensya. Hindi ko naman sinasadya. Masyado lang akong nailang buong araw kay Ate Ezra, na hindi ako makakilos o makapagsalita.

Narinig ko ang daing ni Nehemiah kaya nagmadali na ako. I remember Everett handing me eucalyptus oil when I got dizzy on the plane. Kinuha ko iyon sa personal bag ko at nagtungo na sa kawawang lalaki rito.

"Nehemiah..." tawag ko sa kaniya.

Nakadapa siya sa kama niya at hindi normal na bilis ang paghinga. Masakit nga yata talaga ang pakiramdam niya. Nagsimula akong mataranta, na sa tingin ko ay dulot ng ilang taon kong pag-aalaga sa aking ama.

As the Chains FallWhere stories live. Discover now