Chapter 42

242 10 0
                                    

After two months and without any sign of anyone coming after us, I was finally allowed to roam the streets of Ilocos.

Hindi kalayuan mula sa tinutuluyan namin ang sikat na Calle Crisologo, at isang tricycle lang ang kailangan bago makarating doon.

Inikot ako ni Mama sa mga dinadayong lugar ng mga turista. Sanay na sanay na raw siya rito dati na hindi niya na maintindihan kung ano ang kinahuhumalingan ng mga turista, pero ngayong naririto siya ulit, namamangha siya.

Nakapagsimba na rin kami ni Mama. Halos bawat Linggo ay nasa simbahan kami dahil wala naman kaming ibang magawa sa bahay kung hindi magtrabaho sa mga gawaing bahay, na hindi rin karamihan dahil dalawa lang kami. May mga bagong kakilala na nga kami sa parokya.

I have to admit, I have grown to appreciate this life.

It reminds me a lot of my childhood.

Literal na wala akong kailangang alalahanin maliban sa mga pinipili kong isipin. Nahihirapan akong kalimutan ang lahat ng nangyari at hindi madaling itigil ang pag-iisip kay Eros at sa pamilya niya.

Appreciating the tranquility of this newfound life does not equate to not missing the people I left behind. The Escadejases were a part of my life, even if I was unwilling to be a part of theirs at the very start.

I miss them.

Madalas kong hanap-hanapin ang mismong pagkatao ni Jaireh na hanggang sa dagat ng maraming tao, minsan ay inaakala kong naroroon siya at nabibigo ako sa tuwing nalalaman ko na namamalik-mata lang ako.

Gusto ko rin ulit marinig iyong tawanan ng mga magpipinsan na hindi nila pwedeng lakasan dahil nasa publiko, pero walang makapagpigil dahil nakakatawa naman talaga ang kwento ni Nehemiah.

Namimiss ko na iyong paggising sa akin ni Ethan Raziel kapag late akong nagising dahil napuyat noong gabi. Ang pagtawag ni Kuya Silas sa cellphone ko kapag gusto niya akong kumustahin.

Ang pagpapalipat-lipat namin ng condo depende sa kung kanino ang pinakakomportable sa linggo na iyon base sa kalinisan at dami ng pagkain. Even the mundane things we do everyday, I realize now, mean a lot to me.

My days have shifted a lot in this lifetime. Sobrang daming beses ko na kinailangang lisanin ang isang lugar upang magsimula ng panibago.

Sa sobrang pagkasanay ko sa ganoon, hindi na ako nagulat na dumating ang araw na pati ang mga araw na nakasama ko si Eros at ang mga Escadejas, kailangan ko na ring kalimutan at iwan sa nakaraan.

"Itong apo ko, napakagwapo 'di ba?"

Tiningnan ko ang picture frame na ipinakikita sa akin ni Nana Piring. Graduation picture iyon ng isang lalaki na siguro ay nasa edad ko lang din.

"Nakuha ho yata ang itsura sa inyong dalawa ni Tatay Odario," sabi ko habang nakangiti.

"Pogi, ano? Bagay kayo nito!"

Bahagya akong natawa dahil nakakahawa ang ngiti ni Nana. "Sigurado ho ako na may nobya na iyan sa kung nasaan man siya, Nana. Huwag na kayong mag-abala na i-reto sa akin at baka magselos pa ang nobya niya!"

Humalakhak naman siya, "Ay, oo nga. Baka nga mayroon na. Sa gwapo ba naman ng apo ko! First honor pa 'to palagi sa eskwela!"

Tumutulong akong magluto dahil kaarawan ngayon ni Tatay Odario. Sa pansit ako nakatoka kaya naghihiwa ako ngayon ng mga gulay. Si Nana ay masyado nang naging abala sa pagmamalaki sa mga apo niya.

"Oh, ikaw ba... may nobyo ka ba?"

Hindi ako nag-angat ng tingin. "Wala po."

"Hah! Talaga?! Eh, dati, kung ganoon?"

As the Chains FallWhere stories live. Discover now