Chapter 32

266 11 15
                                    

I knew we had a lot of things to accomplish, but I never imagined it to be this busy. Late enrollment ang mangyayari sa akin, pero mabuti na lang at nagpresinta si Kuya Silas na siya na ang bahala roon.

Sa ngayon, nasa penthouse kami ng mga Escadejas dito sa Clark. Namili kami ni Ethan Raziel ng mga bago kong gamit para raw ilagay ko rito. He even ordered a whole new closet for me, which arrived here today.

Four of the rooms in this penthouse are occupied by the cousins. Nahihiya akong kumuha ng sarili kong kwarto kahit na inalok naman ako, dahil sila mismo, naghahati lang. Sa depensa nila, ginusto naman daw nila 'yon.

I'll be rooming with Regina and Monique, which kind of makes me wonder if it'll be fine. Silang dalawa ang hindi ko masyadong nakakausap. Si Regina, hindi naman talaga masyadong palasalita, habang si Monique, parang mahirap lapitan.

"All dresses?" Monique's voice came up from behind while I was fixing my clothes in the closet. Tumabi siya sa akin at umupo sa sahig habang may inaayos din siya.

"Oo, eh... pero nagpadala si Kuya Silas kahapon ng iba't ibang klase ng damit. May mga palda sa mga binili niya."

She examined the closet, "Wow, puro mga skirt outfits nga at dresses. If you don't mind me asking, is white your favorite color?"

Nakuha ko ang pagkakataon na ito para makita sa malapitan ang side profile niya. Mas marami siyang nakuhang features kay Ma'am Amanda kumpara kay Eros na halos ang kamukha ay si Sir Timotheo. Makikita lang kay Eros ang pagkakahawig niya sa ina kapag pinagmasdan nang mabuti sa malapitan.

"Ah, 'di naman. Nasanay lang siguro ako masyado na kulay puti ang mga damit ko. P-Pero may mga ibang neutral colors pa naman."

She smirked, "Yeah... all variations of white. You are Regina's opposite. Siya naman, puro dark colors." Tumayo siya at binuksan ang isa pang closet, at marami nga roon ang maiitim na kulay ng damit pero marami rin naman na hindi.

"Nakita ko na bagay din sa kaniya 'yung white na suot niya noong isang araw."

Lumingon siya sa akin na parang natutuwa. "Right!? I told her that, too. But Iliana will always be Iliana. She won't heed to suggestions!"

"If you're going to talk about me, turn it down a notch, Monique," bored sabi ni Regina habang humihikab pa. May dala siyang box kaya tumayo ako para salubungin siya at tulungan.

"This is from Kuya Silas. Sa'yo raw."

"Huh?" Itinuro ko pa ang sarili ko para siguradong ako ang kinakausap niya. Tumango naman siya at binuksan ang box na punong-puno ng mga damit.

"Pero binilhan niya na ako ng mga damit!"

She shrugged and went to her closet to fix something. With her back facing me, she spoke again. "There are still some more boxes in the living room. Nandoon sila Zeke na inaayos ang mga bagong dating na gamit. Most of them are yours. Silas told me to tell you that you should pick which ones you'll bring to Manila and which ones you'll leave here."

"O-Okay, salamat!"

Nagmadali na ako papunta sa living room dahil baka nakakalat at nakaaabala ang mga gamit ko sa kanila.

Naabutan ko roon si Nehemiah at Hezekiah. Kinakalat ni Nehemiah ang mga gamit habang nililigpit nung isa ang mga kinakalat niya pagkatapos.

"You have a lot of stuff, Sien." ani Nehemiah nang makalapit ako. "I think all of these boxes are yours. Pinamili raw ni Kuya Silas?"

"Oo yata..." nahihiya kong tugon.

Wala akong kagamit-gamit dito sa Pilipinas, sa totoo lang. Nandoon lahat sa Canada. Pang-ilang linggo lang ang dinala kong mga damit dahil makakapaglaba naman ako at hindi ko inasahang mananatili ako rito at magkakaroon ng pangmatagalan na plano. Tapos ngayon, sobrang dami na at nakalulula!

As the Chains FallWhere stories live. Discover now