Chapter 25

262 8 7
                                    

What did he say... what?

Alam kong sila iyon. I just can't believe that he'd do that... for me. O teka, hindi nga ba ako makapaniwala? Have I not seen this coming?

There were signs. It was clear that day how much Eros was willing to do for me. He's been trying to make it clear that he'd move mountains for me... kaya bakit ako nagugulat ngayon?!

Maybe I just didn't expect him to go this far.

Maybe I just didn't want to believe that he actually would.

I stood there frozen even when their conversation had finished. I was too struck to even notice their footsteps coming up the stairs! Nasa harap ko na sila nang matanto ko iyon! Pare-parehong nanlalaki ang mga mata naming tatlo.

"Señorita," Evo uttered. He side-eyed his cousin who still isn't moving.

My chest is heaving. Mabilis ang pagtaas-baba nito dahil sa paghinga ko. Nagwawala ang puso ko sa loob ng aking dibdib at tila gustong kumawala.

Nauna akong makabawi dahil ako naman ang unang nagulat. I took his current state to my advantage by hurriedly coming up the stairs.

Which I then realize, was stupid. Syempre, mahahabol niya ako! Nakakapagod umakyat! Isang palapag pa lang ang nalalagpasan ko ay hinihingal na ako at nahuli niya na ang kamay ko.

"How much did you hear?"

"Bakit? Alin doon ang hindi mo gustong marinig ko?"

This... this is so frustrating.

He is so frustrating!

His jaw clenched as his eyes bore into me. Parang binabalaan niya ako na huwag kong susubukang takbuhan siya, dahil nahahalata ang kagustuhan kong gawin iyon sa bawat paghakbang ko pababa ng hagdan.

One wrong step, and I almost fell down. Hindi ako sumigaw o kung ano man dahil... tiwala ako na sasaluhin niya ako. Dumating ang bisig niya at nasalo niya ako't napigilan sa tuluyang pagkakahulog.

We stopped at the landing of the stairs where I was free to push him away without either of us falling off. Hindi ko maatim na lapitan siya ngayon pagkatapos ng lahat ng narinig ko sa usapan nila ng pinsan niya.

"If you want to talk, I'm willing to."

"Magpapasalamat ba ako sa'yo, Eros?"

Offense graced his face. Kumunot ang noo niya lalo. "No,"

"Anong gusto mong gawin ko sa nalaman ko? Alam mo naman... Alam mo na ayaw ko ng ganito. Ayaw kong gawin mo iyon. Hindi ako nagkulang sa pagpapaalala na sapat na sa akin ang tulong na naibibigay mo... sa pagbabantay kay Papa, sa pagtulong sa mga assignment ko, sa mga simpleng bagay..."

Natigilan ako dahil sa paghikbi. Lumuha na naman ako. Alam kong ibang klase ang hirap na nararanasan ko nitong nakaraan, dahil ang dami kong niluha nito lang mga nagdaang araw kumpara sa buong buhay ko.

"...pero hindi 'yong ganito, Eros."

His lips parted, as if he's trying to say something, but nothing came out. Halatang hindi niya inasahan na malalaman ko kaya hindi niya napaghandaan. Wala siyang mailabas na paliwanag o kung anong palusot.

Sinubukan niyang lumapit at abutin ang mukha ko para siguro punasan ang luha ko pero umiwas ako. Lumingon siya sa isang direksyon, iniiwas ang tingin sa akin. "I-I can't think properly when you're crying."

"Ano pa bang kailangan mong pag-isipan? Itong ginawa mo... pinag-isipan mo ba? O basta-basta mo lang ginawa? Eros..."

His silence made me sure that it was the latter. Hindi siya pagsasabihan nang ganoon ni Everett kung pinag-isipan niya ang ginawa niya. Lumala lang ang tumutusok na sakit sa dibdib ko pero kailangan kong tiisin iyon. Kailangan kong maintindihan kung bakit hindi niya ako nagawang pakinggan. He's always been good at following what I tell him, pero ngayon, bakit hindi?

As the Chains Fallحيث تعيش القصص. اكتشف الآن