Chapter 22

232 10 3
                                    

"Naghihintay sa'yo sa labas 'yung Eros, ah. 'Di mo lalabasin? Ilang araw na rin 'yan nandito, pero 'di ka raw lumalabas ng kwarto. Magagalit na sa kaniya si Mang Jorge. Lalo na't umamin na siya ang may kasalanan kung bakit hindi mo kinakausap."

Hindi ko sinagot si Jackson pero inisip ko ang sinabi niya. Eros admitted what? Narinig ko ang buntong-hininga niya. Kalaunan ay umuga ang kama ko at alam kong umupo na siya sa may paanan noon.

"Anong ginawa sa'yo? Sinaktan ka?"

Kailangan ko nang sumagot doon dahil ayaw kong pag-isipan nila ng masama si Eros. "'Di niya 'ko sinaktan. Hindi ako sasaktan ni Eros. At bakit naman kasi iyan ang una mong naisip?"

"Kung makaiwas ka, parang natatakot ka, e."

Ngayong sinabi niya iyon, natanto kong baka nga tama siya. Natatakot nga ako. Natatakot ako kaya nagtatago ako, pero hindi mula kay Eros.

Ang kinatatakutan ko ay ang mapag-usapan na naman namin ang bagay na napakahirap sikmurain para sa akin dahil ako ang nasa sitwasyon na kailangang unawain. Napakasakit isipin na sa usaping pagkakaiba ng buhay, ako ang dehado.

Dumating sa punto na sinabihan na ni Papa si Eros na huwag munang babalik, dahil siya rin naman ang napapagod kapupunta rito araw-araw nang walang napapala. Ngayong nandito siya sa harapan ko, sigurado akong hindi siya nakinig.

Kauuwi ko lang galing sa talipapa dahil pumayag si Miki na tumulong ako sa kaniya roon kaninang hapon hanggang ngayon na dumilim.

Heto si Eros, nasa tapat ng bahay namin, nakaupo sa may pintuan at nakayuko nang madatnan ko.

Handa na ba ako makipag-usap?

Dito na ba matatapos ang pag-iwas ko?

Gusto ko na siyang makasama. Makausap. Mahawakan. Gustong-gusto ko na bumalik na lang sa dati na hindi ko lubos iniisip ang buhay naming dalawa at ang lahat ng namamagitan lang sa amin ay ang pagkakagusto namin sa isa't isa.

I don't think it's possible to bring that back anymore now that it is crystal clear how damaging it could be to turn a blind eye on the things that separate us.

Sigurado ako. Ipipilit niya na walang hadlang sa aming dalawa.

Wala nga ba?

Oo nga, hindi pa nga ako handa.

Lumikha ng tunog ang tsinelas ko nang humakbang ako patalikod, kaya mabilis na inangat ni Eros ang ulo niya mula sa pagkakayuko at sa unang pagkakataon matapos ang ilang araw, nakita kong muli ang mukha niya.

Tila mas mabilis pa sa kidlat ang pagtayo niya at paglapit sa akin, parang takot na takot na makawala ako. Gamit ang nagmamakaawang tinig at mga mata, "Sienna, please. Kausapin mo na 'ko."

Kinagat ko ang labi ko sa lahat ng pagpipigil. "Don't do that," sita niya na hindi na nawala sa tuwing ginagawa ko ito. Mas lumala lang ang paghihirap ko sa pagpapakita ng tunay kong nararamdaman.

Pagpipigil sa emosyon na may halong galit... pero ngayong nasa harapan ko siya, napatunayan ko na hindi ko kayang magalit sa kaniya. Ang galit na ito ay para sa sitwasyon, at hindi para kanino. Mas mahirap alagaan dahil walang may kasalanan.

Pinipigilan ko ang sarili ko na yakapin na lang siya. Sanay na sanay na ako kay Eros. Kahit na mas maraming mga araw sa buong buhay namin ang hindi kami magkasama, walang-wala ang mga iyon sa mga bilang na araw na nagkasama nga kami.

Nakabubulag ang lahat ng nararamdaman ko. Sa katunayan, mas dadali at gagaan ito kung wala na lang akong pakialam.

Kaso, hindi na pwede.

As the Chains FallWhere stories live. Discover now