Chapter 21

216 9 6
                                    

What is Eros Jaireh doing here?

Tinapunan ko ng matalim na tingin ang kaibigan ko. Ang usapan, sila lang ng pamilya niya! Bakit naman ganito bigla?!

It's not that I don't want Eros to be around, I just don't know how I'm supposed to act with him in front of his family!

Inaamin ko, may kaunting parte sa akin na hindi na nagpumilit na pumunta sa graduation party niya sa kadahilanang natatakot akong makilala ang pamilya niya.

Are they going to like me or not? If not, considering how Eros Jaireh loves them, what would happen to us?

Nangyayari na mismo sa harap ko ang kinatatakutan ko. I really can't explain nor fathom why, but the Lahidalgas make me less nervous than the thought of meeting the Escadejases.

Still, it's nerve wracking to be in this situation.

Tito Hugo welcomed them. Nagmano 'yung dalawang bagong dating sa mag-asawa. "Oh, Eros! Sylvestre! Of course. Come sit."

At syempre, ang magaling na lalaking ito ay piniling ilagay ang bagong upuan dito sa tabi ko! Gusto ko siyang kurutin! Akala ko ba ay maglalaro sila ng soccer ngayon?!

"What brought you here?"

Syljan answered, "Ewan din, Tito. 'Tong magaling mong pamangkin, hinila ako. Ayos-ayos kong natutulog?! Boy's gotta learn some manners."

Kaya pala hoodie lang ang suot niya, pero mukha namang wala siyang pakialam na hindi nababagay sa lugar ang suot niya.

"The penthouse was empty, so I got bored and picked Syljan up. Iliana went home. Everett is doing God knows what in God also knows where."

Syljan gasped. "See? I'm a damn rebound!"

"What? At least, ikaw ang agad kong pinuntahan noong wala sila Regina." depensa naman ni Eros.

"So, the hierarchy is Evo, Regina, then me? Fuck you, dude. Ni hindi man lang second choice! Pangatlo! Third!" He even raised three of his fingers to emphasize his point.

"Tercero, troisième, terzo..." Eros responded sarcastically.

Tita Tanja laughed heartily. "You sound like a jealous girlfriend, Sylvestre Jan. Just order everything you want so they can start preparing. And Eros, filter your words a little so as to not make anyone cry."

"My bad, Tita." sabi niya, pero ngumisi siya kay Syljan para mas asarin ito.

"For the record, I am not about to cry, Tita Tanja. Si Eros ang tunay pikon dito. Magaling lang magpanggap."

Umirap na si Syljan bago tumingin sa menu at pumili na roon. Dahil sa bangayan nila, kahit papaano ay naaliw naman ako, pero bumalik din ang pagka-ilang nang nanahimik na silang dalawa.

Mapagpanggap bang maituturing kung nakatingin naman ako sa mga choices pero hindi ako makapili dahil hindi naman talaga ako nag-iisip? All I can think about is Eros beside me. He's unpredictable to me most of the time, no matter how much I claim to know him.

True enough, he leaned to whisper in my ear. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang malaking folder ng menu para maitago ang ekspresyon kong paniguradong gulantang at kinakabahan.

"Have you chosen yet?"

"N-No. I've never been here."

Itinuro niya ang isa sa mga dish doon. "Then, try that one. I can guarantee that it's good and you'll like it."

"Ganoon ba? O sige, ito na lang..."

He smiled before sitting properly on his seat. May ngisi pa siya sa labi, alam na alam kung ano ang epekto niya sa akin. Pagbaba ko nung menu, nahuli kong nagmamasid si Tito Hugo ngunit wala naman siyang sinabi.

As the Chains FallWhere stories live. Discover now