Chapter 18

247 12 2
                                    

Nabawian ako ng hininga ilang segundo pagpasok na pagkapasok ko sa bahay dahil naabutan ko si Papa na nagsusuka sa sala, ubo nang ubo.

"Papa?!"

Agad akong dumalo dahil alam kong kahit nandito si Mama, ayaw niyang nakikita si Papa na ganito. Pagkalapit ko pa lang ay agad nang lumayo si Mama sa aming dalawa, pero bago iyon ay nakita ko muna ang nagtutubig niyang mga mata mula sa luha ng pag-aalala.

Walang arte kong tiningnan ang inilabas ni Papa sa pagsusuka niya. Walang kulay iyon at parang puro laway lang, dala ng sobra niyang pag-ubo. Nanginginig na siya dahil walang tigil talaga iyon.

"Mainit na tubig. Inumin mo saglit. Tama na..." Bumalik si Mama na dala-dala iyon at pinainom si Papa. She looked so pained, like she hurts more whenever Papa is hurting like this.

"Ako na ang bahala, Ma."

Nakabibigla ito. Akala ko ay ayos na si Papa. Bumalik na naman ba ang sakit niyang pag-ubo? Hindi na naalis sa kaniya iyong pasigam-sigam, pero itong malala, sa pagkakaalam ko ay wala na.

Ang tagal na noong huli siyang nagkaganito. Hanggang ngayon at kahit kailan, ayaw kong ganito. Sobrang nakakapag-alala kasi, nakakawala sa tamang isip.

"Okay na po ba? Ano pa ang masakit, Pa?"

"Wala na. Wala na. Ayos na."

Paano kong hindi mapapansin kung gaano niya lang pinipilit na makapagsalita ng maayos? Paimpit ang boses niya at halatang gustong sundan ang ubo.

I widened my eyes a little to keep the tears from falling down. Hindi ako iiyak ngayon! Wala namang mali! Ayos lang si Papa, sabi niya naman! Huminga ako nang malalim at inisip na wala lang ito.

Dumating ang hatinggabi at hindi siya tumigil. Wala kaming tulog lahat. Pagsikat na pagsikat ng araw kinabukasan ay dinala na namin siya ni Mama sa pinakamalapit na pampublikong ospital. Naka-uniporme ako dahil papasok pa ako, sinamahan ko lang sila hanggang dito.

"Mabuti pa ngang pumasok ka na. Maghihintay kami ng doktor dito at ang sabi, before lunch pa makakarating. Goodluck sa last exams mo," Lumapit si Mama sa akin at hinalikan ang pisngi ko. Papa did the same.

Ang huli nilang sinabi sa akin, huwag ko na silang balikan sa ospital at umuwi na lang agad dahil baka maaga naman daw silang makauwi.

I hope so, because staying there for longer means that something is wrong, right?

There was no way I could have focused on the exam when my parents were inside that hospital. Lutang ang isip ko habang nagsasagot.

Himala na siguro kung nai-tama ko pa 'yong huling parte ng exam na essay dahil wala na akong ibang maisip pa.

Noong uwian na, sigurado akong narinig ko si Euanne na nagtatanong kung ayos lang daw ba ako. I don't remember if I answered. I just wanted to go home.

Pagdating ko sa bahay, natuwa ako nang may maamoy akong mabango sa kusina. Akala ko ay nakauwi na sila at si Mama ang nagluluto, pero si Jackson ang nadatnan ko.

"Aga mo ngayon, ah."

"Huh? Uwian na kaya..."

"Lagi ka na raw kasing medyo ginagabi sa pag-uwi. Kaya akala ko ay maaga ka ngayon kumpara sa ibang araw... 'di mo yata kasama 'yung Eros?"

Kumunot ang noo ko sa tono niya pero hindi ko na inisipan pa ng kahulugan. "Wala siya ngayon," humina ang boses ko sa huling bahagi dahil... wala si Eros ngayon.

I frantically searched for my phone inside my bag. Wala siyang text, at buong araw siyang hindi pumasok sa isip ko. God, nagpunta ba siya sa Lisieux ngayong araw? Should I be relieved that he didn't text me after I forgot about him or what?

As the Chains FallDonde viven las historias. Descúbrelo ahora