Chapter 07

329 11 4
                                    

I forgot to wish him a happy birthday.

Nakakatanga na nakalimutan ko kung bakit nga pala sila pupunta sa Japan in the first place—dahil birthday ni Eros within the next few days!

Ni hindi ko nga nalaman pa ang eksaktong petsa ng kaarawan niya, tapos hindi ko pa siya nabati noong pinuntahan niya ako. I had no idea that forgetting birthdays could bother me so much until this.

'Di bale, magpapakain na lang ako sa konsensya ko hanggang sa makabalik sila.

"Hoy!"

Napatalon ako epektibong panggugulat ni Veronica nang sumulpot ang ulo niya sa may balikat ko. Nasa likod ko siya ngayon at sinisilip ang ginagawa ko sa cellphone niya. The thing is, wala akong ginagawa.

"Tititig ka na lang sa cellphone ko?"

Kanina pa kasi ako nakatitig dito at walang pinipindot. Nandoon lang ako sa may dial screen, hindi alam ang susunod na gagawin. Na-delete ko ang number ni Eros at hindi ko nakabisado. Sabihin na nating kung alam ko iyon at itetext ko siya, matatanggap niya ba gayong nasa Japan siya?

Nakakapagsisi tuloy. Sana pala ay pinagawan ko pa rin si Eros ng social media at nakigamit na lang ng cellphone kay Veronica. May nakadownload na Instagram at Facebook dito at parang active ang kaibigan ko, pwede akong magpaturo sa kaniya kung paano.

Pero ngayon, pareho kaming walang ganoon ni Eros.

Paano kami makakapag-usap nga?

Ako naman ang nagmatigas at tumanggi... at gagawin ko pa rin naman iyon ulit, ang tanggihan ang cellphone niya pinapahiram niya. Pero ngayong hindi ko siya nakakausap pagkatapos ng pagpunta niya sa akin sa eskwela... parang hindi ako mapakali.

Kinuha ni Veronica ang cellphone niya mula sa kamay ko. "Ano ba ang gusto mong gawin? Tuturuan naman kita. Mayroong uso ngayon na bagong application pang-chat, kaso ano raw, pang-kabit."

"Mayroon ka naman noon, Veronica?"

"Syempre, makikisabay sa uso."

Kumunot ang noo ko, "Bakit mayroon ka? Kabit ka ba?"

Eskandalosong nalaglag ang panga niya at binatukan ako. Napahawak ako agad sa likod ng leeg ko kung saan niya ako hinampas. Ang lakas noon. Siya naman ang nagsabi na pang-kabit iyon at nagtatanong ako nang maayos!

"Aray ko, Ver! Nagtatanong lang! Akala ko ba pang-kabit?"

"Hindi naman lahat! Ni wala nga akong boyfriend, maging kabit pa kaya! Tsaka ayaw ko naman noon, 'no... pero kung guwapo at mayaman baka pag-isipan–"

Tinakpan ko na ang tainga ko kaya hindi ko na narinig ang sumunod niya pang sinabi. Kung may makakarinig at makakakita sa amin ngayon ay walang mag-iisip na mas bata itong babaeng ito kaysa sa akin. Grabe ang bunganga.

Humalakhak siya nang kay lakas sa tingin ko ay nabulabog pati ang mga ibong nananahimik sa mga kable ng kuryente. Imbes yata na nagtakip ako ng tainga, dapat bunganga niya na lang mismo ang tinakpan ko.

"Joke lang, Sien! Dito nga, pakita ko sa'yo nang makita mo!"

Pinakita niya sa akin ang iba't iba pang application sa phone niya habang kinukulit ako kung sino raw ba ang gusto kong kausapin at kanina pa ako tumitingin doon.

"Wala akong gustong makausap, curious lang."

Totoo naman dapat ang sinabi kong 'yon, pero pakiramdam ko ay nagsisinungaling ako. Parang kailan lang noong ayaw kong makausap si Eros dahil kinakabahan ako sa kaniya, ah. Ganoon pa rin naman. Walang nagbago... pero parang gusto ko siyang makausap, malayo man o malapit.

As the Chains FallWhere stories live. Discover now