Chapter 10

333 13 13
                                    

"Wanna pass the Monique babysitting duty to me now?"

Halos makita ko nakakalokong ngisi sa boses ni Everett nang itanong iyon kay Eros na seryosong-seryosong nakatingin sa amin. Nasa likod ko pa rin kasi siya dahil hindi niya binibitawan ang palda ko. Ang laking tulong noon.

Lumapit siya sa amin pero hindi ko siya magawang seryosohin ngayong may pambabaeng damit na nakasabit sa braso niya. Nakasuot siya ng kulay dirty white na sweater. Tulad ni Everett ay may baseball cap din siya.

Mas lalo silang mapagkakamalang kambal ngayong hindi kita ang kulay brown at maalon na buhok ni Everett at ang itim naman na buhok ni Eros.

"No. Mom won't like it," he answered, sounding hesitant.

"Tiya won't know. Your sister is not a telltale. But well, ikaw bahala. I'm just offering help 'cuz I know how hard it gets to deal with Mon. I have my hands full helping Miss Sienna here anyway." Hindi ako sigurado kung guni-guni ko lang pero nahimigan ko na naman ang pang-aasar doon.

"Kapatid mo ba 'yon?" I asked Eros, pertaining to the girl who looked so not in the mood that she didn't even bother to wait for Eros. Medyo naalala ko si Euanne sa kaniya.

Hindi siya agad sumagot. Nagulat yata siya na nagtanong ako kaya napakurap-kurap siya. Mabuti at agad siyang nakabawi dahil nagsisimula na akong mahiya sa hindi niya pagsagot.

"Monique? Yeah. Yes, she is my sister. Why?"

I heard Everett Alessandro's chuckle from behind. I don't get which part of this situation is so amusing to him.

"Right. Kapatid niya 'yon. Eros won't bring his girlfriends here, if that's what you're thinking."

Bahagyang napaawang ang labi ko sa hindi ko inaasahang narinig mula sa kaniya. Agad ko namang itinikom 'yon at napalunok. "Ah, ganoon. Okay,"

"I don't have girlfriends!" depensa ni Eros sa sarili. Bahagya akong nabigla sa riin ng kaniyang kontroladong boses nang sabihin niya iyon.

"Isa lang, kung ganoon?"

Hindi ko na naman napigilan ang bunganga ko! Ano naman ngayon kung mayroon nga? Kung marami o isa lang? Bakit, kailangan ko bang malaman? Hindi naman!

What is the deal here?

He threw a quick, angry glance at the man behind me. Tapos bumaba ang tingin niya sa akin at bahagyang lumapit. "Wala ni isa. I don't have one. None. As in zero."

"Tara na, Everett." yaya ko.

"You don't believe me, Sienna?"

Bumalik ang tingin ko sa kaniya.

"I'm not in a place where I should believe you or not. Ikaw naman ang bahala, 'di ba?" I honestly said.

Totoo naman ang sinabi ko at wala akong ibang ibig sabihin doon kundi ang totoo, pero hindi ko alam kung bakit parang sumama ang timpla niya pagkasabi ko noon.

Ano naman ngayon sa kaniya kung piliin kong paniwalaan na may girlfriend siya? At ano naman kung maniniwala akong wala nga? Ha? Ano, Eros?!

"Damn. Rest in peace, man." Tinapik ni Everett ang balikat ng pinsan. Kung ang intensyon niya roon ay pagaanin ang loob ni Eros, hindi gumana, dahil mukhang mas nairita pa iyon.

I continued walking away so I could pull Everett out of there too. Pakiramdam ko kasi, kung magtatagal pa kami nang ilang sandali roon ay mag-aaway na sila dahil sa nakikita kong iritasyon kay Eros para sa kaniyang pinsan.

"Alessandro." dinig kong pahabol ni Eros nang lagpasan namin siya. I didn't look because he didn't call for me, but I'm sure that Everett did because he whispered something I didn't quite hear.

As the Chains FallWhere stories live. Discover now