Chapter 36

256 10 6
                                    

Pushes and pulls are exhausting. Fighting, then making up, just to fight again requires so much energy. Sa puntong ito ay mas pipiliin ko nang magkagalit na lang palagi kaysa magbabati para lang mag-away na naman.

But God, it is so hard to stand by those words. Ayaw ko ang bigat ng pakiramdam na ito.

Hindi na ulit kami nag-uusap ni Jaireh, na hindi naman bagong konsepto sa amin, pero mas malala ngayon. Iniiwasan niya na ako sa lahat ng pagkakataon.

"Anong oras darating si Tiya Priscilla?"

"Parating na yata, Clementine. Tanghali na kasi natapos 'yung fitting nila Doña Froilana sa Palacio kaya medyo natagalan sila."

Bumabyahe sa mismong segundong ito si Mama papunta rito para samahan ang isang kilalang Pilipinong fashion designer na siyang gagawa ng mga gown namin sa darating na kaarawan ni Don Tercero. May pasok kasi kami kanina, kaya hindi kami personal na nakauwi para sabay-sabay masukatan.

"Eh, si Eros ba, pupunta ngayon?"

Hindi ako ang sumagot para sa kaniya. Nandito naman kami lahat ngayon sa condo sa Taft dahil dumayo na iyong iba. Si Regina ang sumagot sa tanong ng kaniyang kapatid, "No. May training siya kaya hindi makakarating."

Clementine pouted, "Oh. Laging siya ang kulang."

"He's just busy," Regina assured her.

We spent our entire lunch multitasking, specifically eating and talking. Pagkatapos noon ay nagpunta na kami sa sala para hintayin si Mr. Maynard na galing pa sa talagang naka-base na sa ibang bansa at uuwi lang para paunlakan ang mga Escadejas.

Nalaman naming matagal-tagal na paghihintay pa ang mangyayari dahil sobrang haba raw ng traffic, kaya naman nanood muna kami ng movie. Mamamatay kami sa pagkabagot kung wala kaming gagawin dahil kabisado na namin ang tagal ng byahe hanggang dito.

The Willoughbys ang pinili nilang panoorin dahil iyon ang nakapukaw ng atensyon ni Clementine. Napansin ko na wala masyadong kumokontra sa kaniya at mas madalas na pinagbibigyan sa gusto kaysa sa hindi.

"What the fuck? This movie is proof that some people do not deserve to have children or to be parents. Imagine treating your children like that!" Nehemiah violently reacted.

"They are horrible. This Santa-like-candy-character should just adopt them all. And the nanny. They'd make better parents."

Inasahan kong mapapanood ay cute na animation na mayroon ding cute na storyline, kaya hindi ako makapaniwala noong naiiyak na ako sa bandang huli!

Nakita ko nga si Everett na niyakap at hinalikan sa noo si Keanna, doon sa parte ng pelikula kung saan halos mamatay na sa lamig iyong magkakapatid sa nagyeyelong bundok.

Nag-init ang puso ko sa nakita, pero nakaramdam din ako nang kaunting inggit dahil wala akong kapatid. The siblings in this movie are so touching, and I cannot relate. Ito ang nasa isip ko habang may pumapatak na luha sa pisngi ko habang pinapanood ang nakakalungkot na eksena.

That's when Ethan Raziel moved from the carpet to join me on the sofa. Hinilig niya ako sa kaniyang balikat at doon ko natanto na nagkamali ako.

I have a brother. Brothers. Two of them. As unsettled as I am with the idea of my mother marrying another, the thought of having Kuya Javier Silas and Ethan Raziel as my brothers is a comfort to me.

"Damn... Kaya tayo pinagbibintangan ng schoolmates natin since time immemorial na masyado tayong attached na magpipinsan sa isa't isa, ay dahil tama sila!" natatawa ngunit naluluhang sambit ni Keanna.

Naghalakhakan kami noong nagdrama si Nehemiah at ambang yayakap kay Hezekiah na itinulak lang siya palayo. Wala ang ate nila na si Ezra kaya wala siyang ibang choice kung hindi kulitin ang kuya hanggang sa bumigay ito.

As the Chains FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon