Prologue

18.6K 203 59
                                        

"Psychopath!"

Awtomatikong tumigil ang paa ko sa paglalakad nang marinig ang sinabi nila. Iginalaw ko sa loob ang dila ko sa gilid habang pinapasadahan ng kamay ang buhok ko.

Nilingon ko sila. "Ako?" Tinuro ko ang sarili ko.

"Baliw!"

Naging malungkot ang mukha ko habang lumalapit sa dalawang babae pero unti-unti akong ngumiti hanggang sa lumakas ang tawa ko at agad na hinawakan ang buhok ng isang babae kaya napasigaw siya.

"Let her go!" sigaw sa akin ng isa kaya hinawakan ko rin ang buhok niya.

"I was about to leave you but you pissed me off," I emphatically said. Pinag-untog ko sila kaya sabay silang napasigaw.

Humalukipkip ako at seryoso silang tinignan.

Masama naman nila akong tinignan. "HOOOOOY!"

Narindi ako pero saglit akong tumawa. "ANOOOOOOOOOOOO?!!"

Napaatras sila dahil sa pagsigaw ko. Pinitik ko ang buhok ko. "You dared to yell at me. Do you have a death wish?" Hinawakan ko sa leeg ang isang babae.

"T-tama na! Hindi na kami papalag." Mabilis na tinanggal ng isang babae ang kamay ko sa leeg ng kaibigan niya.

I took a deep breath. Hinipan ko ang buhok na nasa harap ng mukha ko at tinalikuran na sila.

"Cj, ang dumi ng jacket mo."

Hindi ko tinignan ang palda ko pati na ang lalaking nakasalubong ko pero sinagot ko siya. "Parang mukha mo." Nilagpasan ko na siya.

Pagdating ko sa classroom ay mabilis kong tinanggal ang jacket ko kaya naiwan sa katawan ko ang jeans at black sando. Narinig ko ang pagsipol ng mga lalaki kaya bumagsak ang dalawang palad ko sa table na lumikha ng ingay. Natahimik sila.

Napatingin ako sa babaeng katabi ko. She was reading a book with earphones in her ears. Marahas kong tinanggal ang isang earphone kaya napatingin siya sa akin.

"W-why?"

"Take off your jacket." Tinuro ko pa ang suot niyang jacket.

"H-huh?"

I chuckled sarcastically. "Bingi ka?!" Akmang hahampasin ko siya pero pinigilan ko ang sarili ko. "Baka marumihan ng mukha mo ang palad ko. Hubarin mo na 'yan," I lazily said and she did what she was told.

Isinuot ko ang jacket niya. Mabuti na lang at mabango siya. Bwisit talaga ang dalawang babae na 'yon. Tatanga-tanga kasi kaya natapon sa akin ang juice nila.

Kagaya ng dati, sobrang boring ng klase. 5 minutes bago mag-uwian ay tumayo na ako.

"Ms. Laferdez, my class is not yet ov-"

"You're boring. This class is boring." I faked my smile and her jaw dropped on the floor.

Lumabas na ako. Nang nakarating ako sa ground floor ay narinig ko na ang bell.

"Cj!"

Napabuntong-hininga ako at pinasadahan ang buhok ko. "I'm goddamn tired!" sigaw ko at pumadyak sa inis.

"Aren't you ashamed? Kinaaayawan ka na ng mga tao dahil sa utak na meron ka." Humalukipkip si Nessia.

Kumunot ang noo ko at inilagay ang palad ko sa dibdib ko. "Ay, bakit parang kasalanan ko pa na may utak ako?" nakakunot-noong tanong ko.

"If you can't study here, sa mental hos-"

"Do you want to die?" naging seryoso ang boses ko kaya natahimik siya. Nakita ko ang paglunok niya.

Taming the Wild Waves (Formentera Series #3)Where stories live. Discover now