Chapter 27

8.3K 121 134
                                    

We can't live in a perfect world. Even if we make our own world and no matter how much we want it to be perfect, we still can't live in a perfect world. Kasi palagi tayong masisira.

We all want a happy life, we all want to be happy, we all want to be loved... but sadness is bound to happen. We can't stop it. Magiging masaya tayo pero hindi pa rin natin maiiwasan ang matinding lungkot.

We will always be in a situation where we do not want to continue, we have given up, we do not know what to do next... pero palagi pa rin tayong nagpapatuloy sa kabila nang ganoong pag-iisip. Because that's how it should be, because it's necessary. Because if we stop, the wound will deepen. If we stop, the wounds will hurt more because we did nothing to heal them.

Kailangan nating kumilos kasi wala namang kikilos para sa atin. Yes, there is someone for us. Yes, there is someone who will help us. Yes, there is always someone who will make us happy but we also need to learn that we must do it ourselves. That we should make ourselves happy. We should be happy without depending on someone. Kasi kung palagi tayong aasa sa isang tao, masasanay tayo na palaging may nandiyan para sa atin at kapag nawala sila, back to zero. Nakalimutan na natin kung paano sumaya ng sarili lang natin.

We don't need people to be happy. All we need to do is to love ourselves. Kasi kapag mahal mo ang sarili mo, talo ang lahat. Kapag mahal mo ang sarili mo, walang makakapanakit sa'yo nang sobra.

I was a selfish person, I was ruthless, I was bad... but when I was hurt... I started to love myself. Minahal ko ang sarili ko at ginawa kong mabuting tao... hindi para sa iba kundi para sa sarili ko. Inayos ko ang sarili ko kasi gusto kong maging normal.

Ayoko nang magmahal. Kung ang pagmamahal mula sa ibang tao ang magpapasaya sa mga tao, ayoko nang gano'n. Ayokong sumaya dahil may nag-aalaga sa akin. Ayokong sumaya dahil alam kong may nagmamahal sakin.

Gusto kong sumaya kasi masaya ako para sa sarili ko. I want to be happy because I know I deserve to be happy.

Sabi nila, magiging masaya ka kapag nagmahal ka ng tamang tao. Pero sa tingin ko mali 'yon. Kahit tamang tao sila para sa'yo, kahit hindi ka nila sinasaktan, kahit perpekto na sila... huwag mo pa rin iaasa ang kasiyahan mo sa kanila dahil sa isang iglap lang... pwede silang magbago. And then you will be left behind, you will be hurt. Kaya kung gusto mong sumaya, make yourself happy.

Pwede naman tayong sumaya kahit walang nandiyan para sa atin. Akala lang natin hindi natin kaya dahil nasanay tayo sa pag-iisip nang ibang tao na malungkot mag-isa.

But no. Being alone will not make you sad. Being alone will help you find yourself. Kapag nahanap mo 'yung sarili mo, kapag nahanap mo 'yung halaga mo... magiging masaya ka. Kasi hindi mo na hahayaan ang mga tao na saktan ka.

Being alone is just like vibing with yourself.

Kaya sa mga araw na mag-isa ako, hindi na ako nalulungkot. My anxiety is still here but I know, I can handle it.

Hindi ko na kailangan si Chance... kasi mahal ko na ang sarili ko.

Tapos na siya. Napasaya na niya ako, sumaya na ako. Tapos na. And I thank him for that. Even though he hurt me, even though he made me cry... I still want to thank him for making me happy. Kasi kahit sandali lang, napasaya niya ako. Kahit sandali lang, sumaya ako sa buhay ko... at dahil 'yon sa kanya.

But my anger is still here. Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa ba siya dahil sobrang sakit nang dinala ko sa puso ko dahil sa kanya.

Tinanggal ko ang mga dahon na nagkalat sa lapida ni Cornelia. Pinagmasdan ko ang pangalan niya at napangiti ako.

Taming the Wild Waves (Formentera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon