Chapter 24

7.6K 123 137
                                    

Cordelia Jozelle Laferdez.

Napatalon ako sa tuwa nang makita ko ang pangalan ko sa mga nakapasa. Hindi pa ako makapaniwala. Agad kong niyakap si Nessia.

"Doctor na ako! Doctor na ako!" paulit-ulit na sigaw ko.

"Omg! Doctor ka na, Cj!" sigaw niya.

Napatigil ako sa pagtalon habang yakap siya nang bigla siyang umiyak nang malakas. "Doctor ka na!" humagulgol siya.

Napatingin ako sa mga tao at pinagtitinginan na siya kaya mabilis kong tinakpan ang bibig niya at hinila siya palabas ng building.

"Gaga, ba't ka naiyak?" kunot-noong tanong ko.

"Kasi nga doctor ka na! After all these years! Omg! I just can't believe!" She wiped her tears away.

Napangiti ako at tiningnan ang sarili ko sa front mirror ng kotse ko.

Dr. Cordelia Jozelle Laferdez.

Malakas akong tumili. Isang taon na naman ang lumipas at sobrang saya ko dahil natupad ko na ang pangarap ko. I thought all my hard work would be wasted. Worth it lahat ng pagrereview. Worth it ang 9 years na ginugol ko para maging doctor.

"Omg talaga. Ako pa unang nakaalam!" Pinaypayan niya ang sarili gamit ang dalawang palad. "Doctor ka na!"

Napangiti na lang ako. Pinaandar ko na ang kotse para ibalita kay Dahlia at Kai na nakapasa ako.

Padating sa bahay ay mabilis kong tinanggal ang takong ko at mabilis na pumasok sa kwarto ni Dahlia at Kai.

"Mga bagets! Nakapasa ako! Doctor na ako!" Niyakap ko sila. I can't take away my smile.

They faced me. "Talaga, Ma? 'Yan na lang regalo mo sa amin ni Dahlia. Birthday na namin next month, e," excited na sabi ni Kai.

"No no no." Umiling ako. "Bibigyan ko kayo ng magandang regalo!"

Hinarap ko si Dahlia. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Binitawan ko si Kai at hinawakan ang magkabilang balikat ni Dahlia.

"Anak, doctor na ako..." marahang sinabi ko.

Bumagsak ang isang butil ng luha ko. She became mute when Cornelia died. Ang sabi ng doctor ay masyado siyang naapektuhan sa pagkamatay ng kapatid niya. Hindi namin alam kung kailan siya makakapagsalita ulit.

I hugged her. "Gagamutin kita, anak. Makakapagsalita ka ulit..." Hinagod ko ang likod niya.

Nang gumabi ay nagpasya kaming mag celebrate. Dahlia and Kai were sleeping in their room.

"Doctor na tayong tatlo! Cheers!" Itinaas ni Nessia ang baso ng alak niya kaya nakipag cheers kami ni Dominic.

"Congratulations, Cj," Dominic said.

Tumingin ako sa kanya. "Thank you, Dominic... for staying." Itinapat ko sa kanya ang baso ko. "Cheers."

"I'll stay with you, Cj... nandito lang ako." He smiled at me.

Tumagal ang inuman hanggang sa nakatulog na si Dominic. He's too innocent. Kaunti pa lang ang naiinom niya ay tulog na siya.

"Ano ba 'to! Tulog agad! Magpalit na nga lang tayo ng tropa! Weak 'tong isa, eh!" si Nessia habang tinatampal ang mukha ni Dominic.

Sumandal ako sa recliner chair. Hindi na nagising si Dominic kaya napapailing na napabuntong-hininga na lang si Nessia.

Tuloy-tuloy ang paglagok niya at pinagmamasdan ko lang siya. I raised my brow when she looked at me.

Taming the Wild Waves (Formentera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon