Chapter 13

2.1K 79 4
                                    

"Why did you kiss me?" I seriously asked while looking straight into his eyes.

Parang doon lang siya natauhan sa ginawa niya. He bit lis lower lip. Napakamot siya sa batok at umiwas ng tingin sa akin.

"A-ano kasi..." He doesn't know what to say.

Marahas ko siyang binangga nang nilagpasan ko siya. Dire-diretso ako sa pagpasok sa kotse. I don't care if I'm drunk. I don't follow rules. Magmamaneho ako kahit nakainom ako.

Pinaharurot ko ang kotse. I want to go home! Sunod-sunod ang paghampas ko sa busina. "Get out of my fucking way, you idiots!" sigaw ko nang ibinaba ko ang bintana ko para sigawan ang iba pang mga sasakyan.

"Puking inang trapik 'yan! MAGSITABI KAYO PUTANGINA!" Malakas kong hinampas ulit ang busina.

Pero natahimik ako nang bigla kong naalala ang ginawa sa akin ni Diego...

Napatigil ako kahit green light. Natulala ako hanggang sa naramdaman ko na lang na tumutulo na ang mga luha ko.

I was a rape victim...

No one was there to help me. I could still hear my poor voice asking for help. Binaboy ako. Sinira ang buhay ko. Sinira ng sarili kong kadugo.

Yumuko ako sa manibela kaya lumikha 'yon nang malakas at tuloy-tuloy na ingay ng busina. Niyakap ko ang sarili ko habang tahimik na umiiyak.

Binaboy ako.

At hanggang ngayon... miserable ako.

Pero iba na ako ngayon. Ayoko nang magpadala sa kahinaan. Kung inabuso ako noon, hindi na 'yon mangyayari sa akin ngayon.

Kaya ko na. Kinaya ko na.

Hindi ko alam kung anong oras ako nakauwi pero agad akong naligo. Tiningnan ko ang mga labi ko sa salamin habang naliligo sa cr.

"Did you just kiss me?" mapakla kong tanong.

Tinapos ko ang pagligo at pinatuyo ang buhok ko.

"You should've answered me, Chance..." mahinang sambit ko habang nakahiga at nakatingin sa kisame ng kwarto ko.

"Kasi mababaliw ako kakaisip kung bakit mo 'yon ginawa..."

"Ma'am Cj! Ayos na ba kayo ni Chance? It's a miracle that he didn't come today. Kasi tinanong ko siya kung bakit palagi siyang nandito, he said you two were not okay."

Napatingin ako kay Dominic pero hindi ako nakasagot. He did not come? Akala ko ba lagi siyang pupunta rito hanggang sa pagbuksan ko siya ng pinto?

Does he regret that he kissed me? Narealize niya ba na mali 'yung ginawa niyang paghalik?

Whatever, Chance!

Dire-diretso na akong lumabas para mag jogging. I was wearing a biker shorts, sports bra and black Skechers.

Inayos ko ang airpods sa tainga ko at tinali ang buhok ko. Pagkatapos ay nagsimula nang tumakbo.

Lumabas ako ng Villa at may nakakasalubong na rin akong kagaya ko na mga nag jojogging hanggang sa may tumabi sa akin at sinabayan ako.

"Good morning, Cj!" nakangiting bati ni Nessia.

I just rolled my eyes. Mas binilisan ko ang pagtakbo pero hindi niya pa rin ako tinatantanan. Bahala nga siya.

Taming the Wild Waves (Formentera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon