Chapter 3

5.1K 84 5
                                        

"Cj, ano mas maganda, 'yung blue or black?" Ipinakita niya sa akin ang dalawang t-shirt.

I lazily took a deep breath. "Don't ask me if I'm not among the choices." Tinalikuran ko na siya.

"Tangina talaga."

Pagkarinig ko sa bulong niya ay mabilis ko siyang nilingon. "Minumura mo ba ako?"

His eyes widened and he immediately shook his head. "Huh?! Hindi! Mahalin na lang kita?" Ngumisi siya.

"Murahin mo na lang ako," sambit ko at tinalikuran na ulit siya.

Marami akong biniling crop top at jeans. Pati na rin mga dress. I smirked when he really paid for them. Ipinabitbit ko sa kanya ang lahat habang ako ay nakangisi lang sa kanya.

"Sana masaya ka na," sarkastikong sambit niya at inilagay lahat ng binili namin sa likod ng kotse.

"Of course. Let's have a dinner, I'll treat you." I winked at him and went in my car.

Mabilis siyang pumasok sa passenger's seat at nakangiting nakatingin sa akin. "Talaga?! Yown! Marunong ka rin pala manglibre, e!" Inumpisahan ko nang magmaneho kaya hindi na ako nagsalita.

"Okay na ba 'yang kamay mo?" tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.

"No, it still hurts," I said.

"E, bakit umalis ka na ng ospital? Utak mo rin, e," umiiling na sabi niya.

"What's wrong with my brain?" Tumaas ang isang kilay ko.

"Wala!" malakas na sigaw niya kaya bahagyang napaatras ang mukha ko dahil sa gulat.

"Psst," tawag ko sa kanya.

"Oh?"

"Move into my house."

Bigla siyang napaubo. Mabilis siyang tumingin sa akin. "Sira ka ba? Ba't ako lilipat sa bahay mo? Baka kung anong sabihin ng magulang mo!"

"I don't have a family. Lumipat ka na sa'kin ngayon na," nakangiting sambit ko kaya napakunot ang noo niya.

"Anong wala kang family?"

"That's not the topic. Titira ka sa bahay, ah?" Lumawak ang ngisi ko.

"Hindi. 'Di ako pwedeng lumayo kay-ah basta!" sigaw niya at nagmaneho na.

"Kay? Who the fuck is that? Is that a girl or boy? Tell me," mabilis at tuloy-tuloy na sabi ko.

"Basta. Ayokong lumipat sa'y-"

"Then don't. Just tell me if that's a girl or boy," pangungulit ko kaya bumuntong-hininga siya.

"Mama mo girl or boy," sagot niya.

Nalaglag ang panga ko at napatingin na lang sa kanya. Ginagago niya ako.

Inis akong nagp focus sa pagmamaneho. Narinig ko na lang na tumugtog ang stereo at To the bone na naman ang naririnig ko.

"Cj, ano mas pangit? Si Cordelia or si Jozelle? Ayan nasa choices ka na."

I yawned. "Any last wish?" I asked without looking at him.

"Ang pangit mo, Chance. Tanginang mukha 'to ang pangit bakit pa ako nabuhay," narinig kong sambit niya.

I just rolled my eyes. Pagdating namin sa bahay ko ay nagtulungan sila ni Dominic na ipasok sa loob ang mga damit ko.

"Stay here tonight." Hinarap ko si Chance.

"Hindi pwede, Cj." Umiling siya.

"Why?" I crossed my arms.

Taming the Wild Waves (Formentera Series #3)Where stories live. Discover now