Chapter 25

8.3K 130 187
                                    

"I said get out of my room!" Malakas kong tinabig ang pagkain na dala ni Kai.

I don't want him to see me like this! Iyong bulag na, 'yung wala nang kwenta! Hindi ko alam kung bakit ako pinaparusahan ng Diyos pero ang sakit sakit na.

It's so dark... and I am scared. Natatakot akong baka habang buhay nang madilim ang buhay ko.

"M-mama, gusto ko lang naman pong kumain ka." Narinig ko ang pag-iyak ni Kai.

"It's okay, Kai. Lumabas muna tayo. Your mom will eat later," si Nessia.

Nang maramdaman kong wala na sila sa kwarto ko paulit-ulit kong hinampas ang dibdib ko.

Life is just so cruel!

Kakaabot ko lang sa pangarap ko. Anong nangyari? Lord, why did you put me in this situation?

Wala na akong kwenta. I can't even feed my children. I can't do anything. I am just a useless human being. 

Ang sama sama ng loob ko sa lahat. Parang kinakalaban ako ng lahat. Lord, you know my pain... so please help me. Alam mong pagod na ako.

Isinandal ko ang ulo ko sa pader habang umiiyak. Ang lakas ng bawat pag-iyak ko. Napagod ako sa kakahampas sa dibdib ko. Gusto ko na lang maging manhid.

Ang hirap ng pinagdadaanan ko. Para akong tinanggalan ng kasiyahan. Walang lugar para sa akin ang kasiyahan.

Iniisip ko na miserable ako ngayon. Si Chance? Nabubuhay ba siyang masaya? Masaya ba siya?

Sana masaya siya dahil walang kwenta ang pagpapaubaya ko kung hindi siya masaya.

Kailan ko matatanggap ang kalagayan ko? Na bulag na ako? Gusto kong makita ang mga anak ko na lumalaki! Pero paano ko 'yon makikita kung nawala na ang paningin ko?

Kinuha na ng trahedya. Kinuha na ng aksidente.

I still want to live... but I don't want to live like this. 'Yung puno ng sakit, puno ng lungkot, puno ng bigat ang puso... ayoko ng ganito.

Kung may mas isasakit pa sa nangyayari sa buhay ko, sana mangyari na para isang sakitan na lang.

Ang daming trahedyang nangyayari sa buhay ko. I am miserable, I lost my child, I lost my eyes... ano pa ang mawawala sa akin? Ano pang sakit ang dadating sa buhay ko?

Bumaba ako sa kama, kumakapa sa dilim.

Napadaing ako nang matapakan ko ang bubog. Sa tingin ko galing 'to sa pinggan na ibinato ko kanina.

Napatingala ako at huminga nang malalim. Pero unti-unti akong natawa nang mapagtanto ko na sobrang malas ng buhay ko.

I was crying with tears on my cheeks. Mababaliw na yata ako.

Mabilis akong pumulot ng bubog at handa na sanang laslasin ang leeg ko pero bumagsak lang ang mga kamay ko nang makita ko sa isip ang mukha ni Dahlia at Kai. Malakas akong napahagulgol.

I don't want to leave them! Pero kasi hindi ko na kinakaya. Unti-unti na akong nababaliw. Binabaliw ako ng sakit. Ang sakit na lahat.

"Cj!" narinig ko ang boses ni Dominic at ilang sandali lang ay binuhat na niya ako. Naramdaman kong inupo niya ako sa kama.

"Stay here. Gagamutin ko ang sugat mo," mabilis na sabi niya pero hindi na ako nakapagsalita. Wala na akong lakas para magsalita.

Pagbalik niya ay naramdaman kong ginagamot niya ang kamay at talampakan ko. Tulala lang ako. Hindi ko na alam ang mangyayari sa buhay ko. Hindi ko na alam kung saan 'to patungo. Ang alam ko na lang ay ang sakit ng buhay ko.

Taming the Wild Waves (Formentera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon