Have I really become a monster?
O baka matagal na talaga akong naging halimaw...
This time, I admit that... I am guilty.
I can't believe I stabbed him.
I can't even face him. Wala akong mukhang maiharap sa kanya. It's been 1 week but I can't face him.
All he did was to make me happy and I retaliated by stabbing him. That's what a monster does...
Isa akong halimaw... wala na akong pinagkaiba sa nanay ko.
"Cj..."
Mabilis akong napatingin sa pinto ng kwarto ko nang marinig ko ang boses ni Chance. He's here again.
Hindi ako nagsalita. I don't want him to hear my fucking voice. I was guilty for what I have done to him.
"Cj... hindi naman ako galit. Alam kong hindi mo sinasadyang masaktan ako. Kasalanan ko, Cj. Buksan mo na 'tong pinto..."
Umiling ako kahit hindi niya nakikita.
I am a monster, Chance...
People dislike me because of my attitude. Because they know I have ASPD. Hindi lang kinaayawan dahil kinatatakutan din. I thought it was fun that people hated and feared me but it was... sad.
I feel alone. Hindi ako normal. Kakaiba ako sa mga tao.
"Cj... araw-araw akong pupunta rito hanggang sa pagbuksan mo ako ng pinto." Hindi pa rin pala siya umaalis.
Chance... I thought you were busy...
"Pagsasabayin ko ang pag rereview at ikaw. Araw-araw nandito ako hanggang sa maging maayos ulit tayo..."
Niyakap ko ang dalawa kong tuhod at yumuko. I can't face him. I really can't. Ngayon alam ko na ang pakiramdam na maguilty. Alam ko na ang pakiramdam na mahiya.
I didn't know I fell asleep. Binuksan ko ang pinto at hindi ko na nakita si Chance. Malamang ay umalis na siya.
Bumaba ako at nakita ko si Dominic na nagluluto.
"What are you cooking?"
"You didn't tell me that your Uncle came to you..."
Inipit ko ng claw clip na bigay ni Chance ang buhok ko. Umupo ako sa dining area at itinaas ang isang paa ko sa inuupuan ko. Pumitas ako ng grapes.
"I don't want to talk about him. He's a waste of time," I lazily said.
I saw in my peripheral view that he looked at me. "Dapat sinabi mo pa rin, Ma'am Cj. He's dangerous!"
Padabog kong ibinagsak ang isa kong kamay sa lamesa at seryoso siyang tiningnan. "I am no longer the young Cj. I can't remember what he did to me but I know... he did something terrible to me... but I'm not scared, Dominic. Hindi na ako bata." Tumayo ako at pumunta sa walk in closet ko.
Sa tuwing nakikita ko si Diego, napupuno ng galit ang puso ko. I had a terrible childhood. I can't remember my whole childhood days. I remember that my mom was abusing me and because of that I started to have trauma. Dahil sa trauma ko ay na-diagnose ako ng ASPD noong bata pa lang ako. When my father died, my mom started to torture me again. Ako raw ang pumatay sa Daddy ko dahil sa sakit ko. Hindi ko alam kung totoo ba 'yon pero sa tingin ko ako talaga ang pumatay sa kanya base sa kaunting alaala na pumapasok sa isip ko. Nang mag labing limang taong gulang ako ay nakatakas ako kay Mommy sa tulong ni Dominic at Papa niya. Dominic's father was a doctor. At dahil nga doctor ang Papa niya ay na-diagnose na rin ako ng PTSD. Dahil sa trauma ko ay nakalimutan ko ang iba pang mga nangyari sa akin noong nasa poder ako ng Mommy ko... at 'yung ibang natira sa isip ko ang nagpapa-miserable sa buhay ko.

YOU ARE READING
Taming the Wild Waves (Formentera Series #3)
RomanceWarning: This novel will talk about suicide, violence, anxiety, depression, drugs, inappropriate languages and sex. If you're uncomfortable by reading anything of the sort, I recommend you to read something else that is more suitable for you. Cj, s...