Chapter 21

7.4K 120 81
                                    

"Nabuntis ko ang kapatid mo..."

Mabilis akong tumingin sa kanya. Nakayuko siya at hindi makatingin sa akin.

"Chance..." I called him. "Chance, look at me," mabilis kong sambit.

"Cj, nabunti—"

"Chance, totoo ba 'to? Tell me you're lying. Tell me this is just a prank," mabilis na sabi ko at hinawakan ang braso niya.

Tumulo na ang luha ko. Hindi pa rin siya makatingin sa akin.

"Is it... true?" mahinang tanong ko.

Dahan-dahan siyang tumango habang nakayuko pa rin.

"I never asked for happiness." Umiiyak ako habang umiiling. "Kahit hindi na ako sumaya basta... b-basta kahit kaunti lang mabawasan 'yung sakit, 'yung lungkot at 'yung bigat. This pain is slowly killing me!" Napayuko ako habang humahagulgol kaya tinakpan ko ng isa kong palad ang mga mata ko.

Hindi siya nagsasalita pero nakikita kong pinapahid niya ang mga luha niya.

"K-kahit kaunti lang... 'yun lang 'yung gusto ko... Kasi kaya ko... K-kaya kong hindi sumaya pero..." Tumingin ako sa kanya at patuloy na bumabagsak ang mga luha ko. "P-pero hindi ko kaya 'yung punong-puno ng sakit at lungkot." I sobbed. "Kaya sana... sana mabawasan. Iyon na lang... mabawasan lang." Humina ang boses ko at hindi na siya nakapagsalita pa.

"P-pero, Chance... d-dinagdagan mo 'yung sakit. D-dinagdagan mo 'yung lungkot..." Tinakpan ko ang mga mata ko habang humihikbi, pinipigilan na bumagsak ang mga luha.

"I'm sorry, Cj..."

"H-hindi na ba ako?" My voice broke.

Dahan-dahan siyang tumango. Nakayuko pa rin siya.

"M-mahal mo siya?" Please... no.

He nodded.

Napatakip ako sa bibig ko para hindi tumakas ang hagulgol. Mahina akong umiiyak. Hindi ko 'to kaya.

"B-bakit hindi na ako? H-hindi ba ako sapat?" humihikbing tanong ko kasabay nang pabagsak ng mga kamay ko.

He finally looked at me. He was also crying.

"Cj, sapat ka. Sapat na sap—"

"P-pero bakit mo ako pinagpalit? B-bakit mo ako sinasaktan kung sapat ako? B-bakit, Chance?" nakakunot-noong tanong ko habang umiiyak.

"I-I'm sorry..."

"Anong sorry?!" humahagulgol kong sigaw. "Chance, bakit sorry?!" Parang sinasaksak ang puso ko. Para akong pinapatay paunti-unti.

"Chance! Kapatid ko 'yung binuntis mo! Mahal na mahal kita at alam kong mahal na mahal mo ako kaya b-bakit... bakit tayo umabot sa ganito?" humihikbing tanong ko.

"Cj, nangyari na, e... Nagkasala ako sa'yo..."

"T-tinuruan mo akong maging mabuting tao ulit! Sinunod ko lahat ng gusto mo kasi may tiwala ako sa'yo! Chance, binago ko 'yung sarili ko kasi mahal kita..." Pinahid ko ang mga luha ko pero kusa pa rin na bumabagsak 'yon.

Oh, God... Don't do this to me, please.

"H-hiniling na kita sa Diyos, e. Bumalik na ako sa kanya. I-ipinaubaya ko na sa kanya ang lahat kasi alam ko siya ang magpapatatag sa atin pero, Chance... alam mo? Hindi Diyos ang sumira sa'tin... ikaw mismo. Sinira mo ang relasyon na 'to... sinira mo ako."  Napayuko ako at tinakpan ang bibig ko. Tumatakas ang bawat malalakas na hagulgol. Hindi ko na kinakaya.

Muli akong tumingin sa kanya.

"Cj—"

"Kahapon ba mahal mo pa ako?" mahinang tanong ko. "Noong mga panahong magkasama tayo mahal mo pa ba ako? K-kailan natigil? Kailan mo minahal si Jorreah? Noong mga panahong minamahal mo 'yung kapatid ko... n-nasaan ako? Saan mo nilagay lahat ng pagmamahal na binigay mo sa'kin habang minamahal mo siya? T-tinapon mo? N-nagkulang ba ako, Chance?" Nabasag na talaga ang boses ko.

Taming the Wild Waves (Formentera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon