Chapter 9

2.3K 67 2
                                    

"Ang pangit niya," sabi ko kay Chance.

We sat outside the bar to sober up because we were a little drunk. Pinapanood namin ang bawat lumalabas at pumapasok at nilalait namin.

"Gagi. Mas pangit 'yung kaninang pumasok. Walang kapogian sa katawan," aniya.

"Huh? Sino ro'n? 'Di ko napansin. Puro babae napapansin ko, e," sabi ko.

"Mas pangit..." Ginalaw niya ang hintuturong daliri niya. "'To!" Nanlaki ang mga mata ko nang itinuro niya 'yon sa'kin.

"Ah gano'n? Pangit ako? Ha, pangit ako?!" Tinanggal ko ang sandals ko at akmang ihahampas 'yon sa kanya kaya mabilis siyang tumayo.

"Joke lang! Angry bird talaga!" sigaw niya nang naabutan ko siya. Nasa tabi na siya ng kotse ko.

"Tss. Maganda kaya ako!" sigaw ko sa pagmumukha niya.

"Weh? Tingin?" Hinuli niya ang mga mata ko.

Tinitigan ko siya at pinagtaasan ng isang kilay. Pumameywang ako. "Ganda, 'di ba?" pagmamayabang ko.

"Ganda nga," aniya. "Ganda itapon!" Humagalpak siya sa tawa kaya poker face akong nakatingin sa kanya.

"Ginagago mo 'yung gago," walang emosyong sambit ko.

"Char lang, Cj. Sorry na. Ganda mo nga, e. Baka pwedeng libre mo 'ko sa McDo?" Nakangiti siyang umakbay sa akin.

"What's the thickest thing in the world?" I asked him.

His brows furrowed. "Anong subject 'to? Science or AP? Sorry nangongopya lang ako kay Selene no'ng elem at highschool kami," sagot niya.

Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko at binuksan ang pinto ng kotse ko. "It's your face, Chance Kyro." I went in my car.

"LUH!" sigaw niya kaya sinarado ko na ang pinto.

Mabilis naman siyang pumasok sa passenger's seat. "Anong makapal ang mukha ko ha? Hindi makapal ang tawag dito... gwapo!" Tumingin siya sa front mirror at pinasadahan ang buhok niya.

"Tss."

🎶Take me home, I'm fallin'
Love me long, I'm rollin'
Losing control, body and soul
Mind too for sure, I'm already yours🎶

Whenever we're in my car, that song was the first song I always heard. Siguro kapag maririnig ko na 'yan sa ibang lugar... siya na ang maaalala ko.

Pagdating sa bahay ay nagpaalam na siya agad. May dadalawin pa raw siya sa ospital. I didn't have a chance to ask him who he was going to visit because I was dizzy and I wanted to rest.

Bumagsak ako sa kama at nakatulog agad.

Kinabukasan ay may natanggap akong text mula kay Nessia. It's her birthday. April 30. I'm sure invited ang mga kaklase namin kaya hindi na ako pupunta. Ayoko nang makita ang mga pangit nilang mukha.

Paglabas ko ay nakita ko si Chance na nagkakape sa living room at may binabasa. Inayos ko sa pagkakatali ang nightrobe sa bewang ko at umupo sa harap niya.

"What are you doing here?" I asked. Pinagkrus ko ang mga hita ko.

"Wala. Masama ba? Bawal ka bang puntahan nang maaga?" tanong niya at inilapag ang kape sa mini table.

Taming the Wild Waves (Formentera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon