Epilogue

8.7K 171 48
                                    

🎶And in my eyes
There is a tiny dancer
Watching over me
He's singing...

She's a, she's a lady
And I am just a boy
He's singing
She's a, she's a lady
And I am just a line without a...🎶

Slow motion... parang slow motion ang lahat. Kahit ang kanta na tumutugtog sa earphones ko ay nagmistulang mabagal habang tinitingnan ko ang isang babaeng binubugbog ang ilang mga lalaki.

Hindi ko naalis ang mga titig ko sa kanya. Sobrang cool niya.

Tinanggal ko ang isang earphone sa tainga ko at iniwan doon ang isa. Naririnig ko pa rin ang kanta.

"Tangina ang asim mo!" nandidiring sigaw niya at tinanggal ko ang lollipop sa bibig ko nang tinadyakan niya ang lalaki.

Tangina smooth.

Muli kong sinubo ang lollipop habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.

Nang matapos niyang bugbugin ang mga lalaki ay pinagpagan niya ang dalawa niyang kamay. "Ang aga aga ang init ng ulo ko."

Pumalakpak ako dahil sa galing niya at doon ko naagaw ang atensyon niya. Tuluyan ko nang tinanggal ang earphone sa tainga ko.

Tinanggal ko ang lollipop sa bibig ko at tumingin sa I.D niya. Cordelia Jozelle Laferdez.

I looked at her again. "Tomboy ka ba?" namamanghang tanong ko. "Kasi pre, ang galing mo makipag bugbugan. Woah! Grabe ka, lods." Pumalakpak ulit ako.

Grabe ang gandang amazona naman nito.

Bumuhaghag ang mahaba niyang buhok nang tinanggal niya ang tali niya. Dinampot niya ang bag niya at tumingin ulit sa akin.

"Saan mo nabili?" Napakunot ang noo ko sa tinanong niya.

"Alin?"

Inginuso niya ang lollipop na hawak ko. Does she like it? "Ah ito? Gusto mo sa'yo na lang?" pagbibiro ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang hinila niya ang kwelyo ko palapit sa kanya at inilapit ang mukha sa akin. I thought she was going to kiss me.

Maaabuso pa yata ang gandang lalaki ko!

Napalunok ako dahil mas lalo kong nakita nang malapitan ang mukha niya.

Maganda siya.

"H-hoy bakit?" tanong ko.

Nagulat ako nang kinuha niya sa akin 'yung lollipop. "Mabango hininga mo kaya akin na 'to." Kumindat siya at nilagpasan ako.

Gago?

"Kadiri ka, Cordelia! Nag jojoke lang ako sa pag-alok!" sigaw ko dahil sinubo niya talaga ang lollipop ko.

Pero hindi na niya ako nilingon.

Wow, grabe. Kakaiba.

"Chance Kyro Enrique! 09623425322! Text mo 'ko, lods!" sigaw ko para magkita ulit kami.

Pagdating ko sa entrance ng Citta Italia ay nakasalubong ko si Selene kaya mabilis ko siyang inakbayan.

"Ay manyakis!" sigaw niya.

"Wow! Wow, feeling maganda?" tanong ko kaya umikot ang mga mata niya at nagsimula ulit maglakad.

Hindi ko inalis ang pagkakaakbay ko sa kanya. "Lalim nang iniisip mo, ako ba 'yan?" pagbibiro ko dahil alam ko naman na may Dos na siya.

"Huwag mo akong umpisahan, Kyro. Baka samain ka sa'kin," sagot niya at siniko ako.

Umamba ako na hahampasin siya pero hindi ko naman tinuloy. Bumuntong-hininga siya at inalis ang kamay ko sa balikat niya.

Taming the Wild Waves (Formentera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon