Chapter 26

8.3K 132 75
                                    

"C-cj." He tried to hold me but I stepped backward. Natigilan siya.

"C-cj, kamusta ka na?" tanong niya at hahawakan sana ulit ako.

"Don't!" I said. "Touch me." Seryoso ko siyang tiningnan. "You make me sick." Dinuro ko siya at nilagpasan na.

Pero nairita ako nang hinawakan niya ang braso ko kaya mabilis ko siyang sinampal. "I said don't touch me!" Hinarap ko siya.

He looked at me. "Cj, I'm sorry... magpapaliwanag ako... 'wag mo akong itaboy..." Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako roon.

Mahina akong natawa ng sarkastiko.

"Cj, I should not have left y—"

"Why did you show up to me?" naiiritang tanong ko.

"Cj, b-bumalik ka na sa'kin..."

Gusto kong matawa nang malakas dahil sa sinabi niya pero seryoso ko siyang tiningnan. "And do you think I'd let you ruin me again? Why would I comeback to the person who broke me? Bakit ako babalik sa'yo? E, sinira mo ako?" I asked him.

Natahimik siya kaya tinanggal ko ang kamay niya sa kamay ko.

"No, Chance. Hindi ko na hahayaang makita ulit 'yung sarili ko na durog dahil sa isang tao. Hindi ko na hahayang sirain mo ulit ako. Hindi ko na hahayaang umiyak ulit ako dahil sa parehong dahilan! Dahil sa'yo! So leave me alone," I seriously said.

Tatalikuran ko na sana siya pero hinawakan niya ulit ang kamay ko. "Cj, magpapaliwanag ako. Hear me out first."

"Putangina!" sigaw ko at tinulak siya.

"You don't have to apologize because I don't love you anymore! Did you really think that I'd forgive you? Pagkatapos mo akong saktan? Sa tingin mo bibigyan pa kita ng kapatawaran?!" sigaw ko.

"Cj, walang araw na hindi ako nagsisi..."

"Putanginang pagsisisi 'yan, hindi ko kailangan niyan!" sigaw ko. "Alam mo? Galit ako sa'yo! Galit na galit ako sa'yo!" Tinulak ko ang dibdib niya.

"I needed you! I needed you but you weren't there for me! 9 years, Chance! 9 fucking years! I was saving myself for 9 years! Alam mo ba 'yung pakiramdam na mawasak? Araw-araw akong lumalaban! Araw-araw kitang kinakalimutan pero ang hirap! At ngayong okay na ako, ngayong kaya ko nang wala ka! Nagparamdam ka ulit!" I pushed him.

"Cj, please... hear me ou—"

"Bullshit! Kahit anong putanginang paliwanag mo hindi ko matatanggap! Walang kahit na anong paliwanag sa taong nanakit! Sa taong nagloko! You chose to betray me so don't ever explain! Don't even apologize! You hurt me, that's it!"

Ayokong umiyak pero... bumabalik lahat ng sakit.

"Alam mo ba 'yung pakiramdam na akala ko kaya ko na? I thought I was okay! I thought I was fine! I thought I wouldn't cry again! I thought! I-I thought I was strong but... one night... I was in the same situation again! I was sad again! I was depressed again! I was crying again! 'Yung kahit na sabihin ko sa sarili ko na Cj, ayos lang 'yan! You are okay! But I always ended up crying! I always ended up disappointing myself!" umiiyak kong sigaw.

Bumalik lahat. Parang kahapon lang nangyari ang lahat ng sakit.

"At no'ng mga araw at gabi na nasasaktan ako, wala ka! Kaya huwag na huwag kang magpapaliwanag para lang makuha mo ulit ako dahil hinding-hindi na ako babalik sa taong sumira sa akin! You make me sick, Chance!"

"Cj, hinanap kita. Hinanap kita kung saan saan pero nabigo ako! Cordelia, hanggang ngayon... hanggang ngayon mahal pa rin—" Malakas ko siyang sinampal.

Taming the Wild Waves (Formentera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon