Chapter 6

2.4K 59 9
                                    

Malakas ang tunog ng bawat pagsipsip ko sa juice gamit ang straw habang nakatitig kay Chance. He was avoiding my eyes. Paulit-ulit ang pagtaas baba ng lalamunan niya.

"I can't take this anymore!" sigaw ko at hinampas ang lamesa. Umayos ako ng upo at humalukipkip.

"Gets ko na, okay? Napanaginipan mo ako at namatay ako sa panaginip mo so when you saw me, you immediately hugged me. Okay na nga 'di ba? Ba't ka ba naiilang?!" inis na sigaw ko.

Napakamot siya sa ulo. "B-baka kasi isipin mo na crush kita!" sigaw niya at muling umiwas ng tingin.

"Bakit, hindi ba?" masungit na tanong ko.

"Hindi!" mabilis na sagot niya kaya nagsalubong ang mga kilay ko.

"Hindi?!"

"Hindi!"

"Bakit hindi?!"

"Kasi hindi!"

"Pangit ba ako?!

"Hindi!"

Napatigil ako dahil sa sinagot niya. Unti-unti akong ngumisi.

"Ah puta! Pangit ka!" sigaw niya.

"Kakasabi mo lang na hindi ako pangit!" sigaw ko.

Gamit ang dalawang kamay ay napahilamos siya sa mukha. Tumingin siya sa paligid. "Oo na maganda ka na. Maganda ka naman talaga kaya babaan mo 'yang boses mo."

"Why?"

"Pinagtitinginan tayo ng mga tao, oh," nahihiyang sagot niya.

I took a deep breath and stood up. Lumabas ako ng restaurant at naramdaman ko ang pagsunod niya. I can still feel his hug. Hindi ko alam pero gusto ko ulit na yakapin niya ako.

Tahimik akong naglalakad at ganoon din siya sa gilid ko.

Bigla kong naalala si Jane. Saglit lang siyang iniwan ng Daddy niya ay nabully na agad siya. Sabi niya kasi hindi niya nakilala ang Mommy niya. Hindi ako naaawa sa kanya dahil pareho lang kaming walang nanay. Tapos pagdating ni Alaz akala niya ako ang nagpaiyak sa anak niya. Duh. Buti na lang pinaliwanag ni Jane ang nangyari.

"Ah, Cj..."

"What?" I asked without looking at him.

"Ano uhm..." Tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya.

"What?" I asked again.

He bit his lower lip. "Ano kasi..."

"What? You want to have sex with m—"

"Hindi! Umayos ka nga!" agad na sigaw niya.

I yawned and crossed my arms. "Then what is it? Do you have something to tell me?"

Seryoso siyang tumingin sa akin. "I know you're alone... but please don't give yourself a hard time."

Natulala ako nang marinig ang seryosong boses niya. Napalunok ako at heto na naman ang malakas na pagtibok ng puso ko.

"Walang mag-aalaga sa'yo kaya..." Binasâ niya ang labi niya. "Ingatan mo 'yang sarili mo."

Bumagsak ang mga kamay ko dahil sa sinabi niya. Natulala na lang ako sa kanya kahit pa tinalikuran na niya ako.

"Woah..." Napabuga ako ng hangin habang nakatingin sa nakatalikod niyang katawan.

Napakurap-kurap ako nang bigla siyang lumingon sa akin. "What? Tara na!"

"H-huh? Oo!" sigaw ko at tumakbo na palapit sa kanya.

That day, I've realized that he was the person I needed. Hindi ko siya papakawalan... kahit pa gusto niyang kumawala sa akin, sa buhay ko.

Taming the Wild Waves (Formentera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon