"Natakot ka ba?"
Sa tanong na 'yon ay mas lalo akong napatitig sa mga bituin. Nasa likod kami ng kotse niya at nag sta-star gazing. Hindi ako nakapagsalita.
"Kasi ako... natakot ako."
And that made me look at him.
I saw him looking at the stars but he looked at me. He looked into my eyes. "Natakot ako, Cj."
"Na baka magtagal ako ro'n?" mahinang tanong ko.
He nodded. "Gustong-gusto kasi kita... at natakot akong baka 'di na ulit tayo magkita." Tumingin siya sa kamay kong nakapatong sa hita niya at hinawakan niya 'yon.
"'Wag mo na ulit akong takutin nang gano'n..."
Hindi na ako nagsalita. Isinandal ko na lang ang ulo ko sa dibdib niya at pumikit.
I thought it was my mom and my uncle's doing but it turned out that it was Eloisa's. Mabubulok talaga siya sa kulungan. Ang kapal ng mukha niyang gaguhin ako.
Kinabukasan ay nagising ako sa kama ko. Bumangon ako at bumaba. Napakunot ang noo ko nang makita si Dominic, Nessia at Chance na nagsisigawan sa baba. Mukhang hindi pa nila ako napapansin.
"Sinabi nang sa kotse ko nga sasakay si Cj! Bestfriend kami, okay?!" malakas na sigaw ni Nessia kay Chance at Dominic.
"WOW! You're just friends but we've been together for years! Sa kotse ko siya! Ako ang mas nakakakilala sa kanya!" si Dominic kay Chance at Nessia.
"Putcha naman! Ilang beses ko bang sasabihin na ako ang jowa?! Sa'kin siya sasakay!"
"Sa akin!" si Dominic.
"Ah gano'n ayaw niyo magpatalo ah!" Napakunot ang noo ko nang sabay na sinabunutan ni Nessia si Dominic at Chance. "Sa akin nga sabi siya e!"
"Ah! Aray! Aray ah! Masakit!" si Chance habang hinahampas ang kamay ni Nessia.
"Get your hand off me! Masakit!" si Dominic.
Pero pinag-untog lang sila ni Nessia. "Sabihin niyo muna na sa akin siya sasakay bibitawan ko kayo!"
"HINDI!" sabay na sigaw ni Dominic at Chance kaya muli silang pinag-untog ni Nessia.
"What is this bullshit?" I asked as I walked downstairs.
Sabay-sabay silang napatingin sa akin. Hawak pa ni Nessia ang buhok ni Dominic at Chance at nakikita ko na ang dugo sa kaliwanag ilong ni Chance at ang dugo sa kanang ilong ni Dominic.
"Ito kasi! 'Di ba magkaibigan tayo, Cj? Mag be-beach kasi kaya dapat sa akin ka sasakay sa byahe," nakangusong sabi ni Nessia.
"Let go of them," I said.
Inis na binitawan ni Nessia ang dalawa. "Beach? Sinong mag be-beach?" tanong ko.
"Tayong tatlo nga! Pero, Cj... sa akin ka na sumakay." Hinawakan ni Chance ang isa kong kamay.
"Bobo ba kayo?" nakakunot-noong tanong ko.
"Huh?" sabay na tanong nila.
"We can just use a van," I said. "Saang beach ba?"
"Boracay!" silang tatlo.
"Okay. Wait here and I'll pack my things." Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila dahil tumakbo na ako paakyat.
Hindi na ako naligo. Inayos ko na lang ang mga gamit ko at pagkatapos ay muli na akong bumaba. Hindi nagpapansinan si Chance, Dominic at Nessia.
Si Dominic ang nagmamaneho. Nasa passenger seat si Nessia at nasa likod naman nila kami ni Chance.

ESTÁS LEYENDO
Taming the Wild Waves (Formentera Series #3)
RomanceWarning: This novel will talk about suicide, violence, anxiety, depression, drugs, inappropriate languages and sex. If you're uncomfortable by reading anything of the sort, I recommend you to read something else that is more suitable for you. Cj, s...