Chapter 23

7.8K 164 177
                                    

"BOBO! Bobo amputa!"

I looked at Nessia. Inis niyang ibinaba ang cellphone niya habang masamang nakatingin kay Dominic. Nakita ko ang pagtaas baba ng lalamunan ni Dominic dahil sa kaba.

"B-bakit ba ako bobo?!" sigaw ni Dominc sa kanya.

"Ay wow! Tinanong pa! Kapag bobo ka, bobo ka na! 'Wag mo nang itanong kung bakit ka bobo basta bobo ka!" gigil na sigaw ni Nessia.

"Bobo kayong dalawa," inaantok kong sabi.

"Ayaw kasi ituro sa akin! Malay ko sa Mobile Legends?! Doctor ako!" sigaw ni Dominic kay Nessia.

"Wow! Doctor din naman ako pero marunong ako mag ML! Kainis ka! Tingnan mo! Talo tayo!" sigaw niya pa kay Dominic.

"I don't care! That's just a game!" Dominic stood up.

Parang hindi makapaniwala si Nessia sa isinagot ni Dominic. Tumingin siya sa akin na parang nagsusumbong. "Pigilan mo 'ko, Cj. Sasaksakin ko ng scalpel 'yan." Tinuro niya si Dominic na palabas na ng kwarto.

Napailing na lang ako kaya napapadyak sa inis si Nessia.

I still can't believe that she came here with me. She really wanted me to be her friend kaya sumama siya sa akin dito sa Spain.

"Ano ba 'yan, Cj! Walong taon na tayo rito, ang tahimik mo pa rin!" Tumabi sa akin si Nessia.

Ang laki ng ipinagbago niya. She's so bold and vulgar.

"Bawal ba tumahimik gaga ka," sabi ko.

She pouted her lips. Dumaan si Kai kaya mabilis siyang kinuha ni Nessia at niyakap. "Hi, Kai. Who's prettier? Si Cj o ako? Bawal magsinungaling ang mga bata," ani Nessia sa anak ko.

"Si Mama," diretsong sagot ni Kai kaya hindi ko napigilang mapangiti.

Agad na binitawan ni Nessia si Kai at tumingin sa akin. "Sinasabi niya lang 'yon para makalimutan natin 'yung sinabi ni Allan Peter Cayetano na ang bawat pamilya ay may sampung libo," napapailing na sabi ni Nessia.

Dumampot ako ng throw pillow at hinagis 'yon sa mukha niya. Natatawa niyang tinanggal 'yon. Kahit siya ay natatawa na rin sa sarili niya.

Tumayo ako at pinuntahan sa kwarto si Dahlia at Cornelia. My heart aches when I saw my two daughters. Dahlia was taking care of her sister and I couldn't help but cry. Mabilis kong pinahid ang mga luha ko.

Kai, Cornelia and Dahlia were just 7 years old. Hindi ko inaasahan na triplets pa ang naiwan sa akin ni Chance. But they are not identical.

Kai and Dahlia are both healthy but Cornelia... she's sick. She's mute... and she has brain cancer.

I was stressed as I carried them. 'Yung kahit na pilitin kong maging malakas, kusa akong nanghihina. I thought of them but I couldn't avoid the sadness. I was always crying.

I was not mad at him... maayos kaming nagpaalam sa isa't-isa. Pero sa tuwing naaalala ko lahat ng hirap na pinagdaanan ko, lahat ng stress habang nagbubuntis ako, lahat ng sakit... hindi ko maiwasang hindi magalit sa kanya.

Hindi lang ako ang iniwan niya, pati ang mga anak namin.

Mabilis kong pinahid ulit ang mga luha ko at nilapitan si Dahlia at Cornelia.

"Ma, tulog na po siya..." Dahlia said in a low voice.

Ngumiti ako at tumabi kay Cornelia. Nasa kabilang gilid si Dahlia kaya napapagitnaan namin si Cornelia.

"Thanks, Dahlia... for taking care of your sister," I said.

Seryoso lang siyang tumingin kay Cornelia at hinaplos ang ulo nitong nababalutan ng tela. "If I could donate my brain to her, I would do it..." she whispered.

Taming the Wild Waves (Formentera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon