Chapter 11

2.2K 53 8
                                    

"Inurong na nila ang kaso sa'yo, Ma'am Cj..."

Inikot ko ang swivel chair ko paharap kay Dominic. Ibinaba ko ang salamin ko at inilapag 'yon sa study table ko.

"I told you. They just wanted my money," I said and stood up. Hinilot ko ang sentido ko.

Tiningnan ko ang cake na inilapag niya sa study table ko pero ang maliit na gold knife ang nakaagaw ng pansin ko.

"But please... don't hurt a kid agai—"

I faced him. "Are you telling me what to do?" Pinagtaasan ko siya ng isang kilay.

"I'm sorry. Kumain ka na ba?"

Napatingin ako sa salamin at pinagmasdan ang itsura ko. "I have a lunch with Chance," nakangiting sabi ko.

"Huh? But I have something prepared for you. I was busy in the hospital and I didn't have time to be with you so I brought—"

"Ikaw na lang kumain niyan. Butler lang naman kita, e. Sige na, Dominic. Get out. I'll take a bath," mabilis na sabi ko kaya hindi na siya nakasagot at lumabas na.

Mabilis akong naligo. I was wearing a fitted white cropped top na may pink na design na Brat na nakasulat sa bandang dibdib. I was also wearing a loose jeans. Isinuot ko ang white sketchers. Inilugay ko lang ang medyo curly kong buhok at nilagyan ng white hairpin sa magkabilang gilid.

I was about to go out when I saw the claw clip that Chance gave me when we were on the beach. Napangiti ako at ipinasok 'yon sa itim kong flapbag.

Lumabas na ako at saktong may pumaradang kotse. It was Toyota SUV. Sino 'to?

Kumunot ang noo ko at lumapit sa kotseng 'yon dahil nakaparada siya sa harap ng bahay ko. Kakatukin ko na sana ang bintana nang kusa nang bumaba 'yon at nagulat ako nang makita si Chance na nakangiti sa akin.

"Sumakay ka na sa'kin," aniya.

"I-is this yours?" tanong ko.

"Oo... matagal kong 'di nagamit," sagot niya.

"Bakit mo ginamit ngayon?"

"Kasi baka uncomfortable ka sa motor. Tara na?" aniya kaya tumango na lang ako at umikot para makasakay sa passenger's seat.

Pagsakay ko ay binuksan niya ang stereo at napangiti ako nang marinig ang kanta roon. To the Bone.

🎶Take me home, I'm fallin'
Love me long, I'm rollin'
Losing control, body and soul
Mind too for sure, I'm already yours...🎶

I looked at outside. Nakangiti lang ako. I don't know what our relationship is but we're comfortable with each other. Gusto kong kasama ko siya palagi...

Pagdating namin sa restaurant ay oorder na sana ako pero naka order na pala siya at nandito na ang mga pagkain. Nagbuhos ang waiter ng wine sa glass namin ni Chance at umalis na.

"Bakit niyaya mo akong mag lunch?" I asked.

"Kumain muna tayo," sagot niya kaya tumango na lang ako.

Tahimik kaming kumakain. Hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang sinabi ni Chance kagabi. Lalo na ang huling sinabi niya. I still can't believe that he said that to me.

Pagkatapos naming kumain ay tiningnan ko siya. "Crush mo 'ko 'no?"

Napaubo siya kaya mabilis siyang uminom ng tubig. "Saksakin mo na lang ako," sagot niya.

Taming the Wild Waves (Formentera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon