Nagising ako nang sunod-sunod na tumunog ang phone ko. Inis kong kinapa 'yon sa gilid ng kama at nakapikit na sinagot.
"Puking inang 'yan natutulog ako, eh!" bungad ko.
"Hoy, Cj! Si Chance 'to! Kamusta ka?"
Napakunot ang noo ko nang marinig ang boses ni Chance. "Why did you call me, Enrique?" seryosong tanong ko dahil sinira na naman niya ang tulog ko.
Pero hindi pa siya nakakasagot ay nanlaki na ang mga mata ko. "D-don't tell me ginising mo na naman ako para sabihing 54 ang butas ng sky-"
"Luh hindi! Kakamustahin talaga kita!" pangunguna niya.
Saglit akong natahimik at tumingin sa screen ng phone ko. Maya-maya ay sinagot ko siya.
"I'm okay naman. Bakit?"
"Kasi last week hindi mo ako kilala. Nag-aalala lang ako sa'yo."
Natahimik ako dahil sa sinabi niya. He's worried about me? Hindi ako makapaniwala na may taong nag-aalala para sa akin.
"I-I'm fine nga!" sigaw ko. "Tsaka anong sinasabi mong hindi kita kilala?" nakakunot-noong tanong ko.
"Huh? 'Di ba sabi mo hindi mo ako kilala? Hindi ko nga alam kung pinaprank mo ba ako, e," sagot niya.
"I never said that. Are you creating a story?" mataray na tanong ko.
"Luh hindi! Bakit ko naman 'yan gagawin?" sagot niya.
Bumuntong-hininga na lang ako. "Where are you? Do you have plans later?" I asked.
"Bakit? Gusto mo ba ng kasama? Free ako basta libre."
Napangiti ako dahil sa excitement. "Sige sige! Mamaya ah! Puntahan mo ako rito sa bahay," mabilis na sabi ko.
"Basta libre mo ah?" paninigurado niya kaya tumango ako kahit hindi niya nakikita.
"Oo!"
5 am na kaya hindi na ako natulog ulit. Mamaya pa naman pero paghahandaan ko na. Minsan lang siya pumayag nang hindi pinipilit.
Pagkatapos kong magbihis ay nahagip ng mga mata ko ang makakapal na libro ng medicine. Napabuntong-hininga ako dahil kailangan ko pang mag-aral nang mabuti. Yuck mabuti. Wala 'yan sa vocabulary ko.
I was wearing a black sports bra and biker shorts. Ipinatong ko ang paa ko para itali ang sintas ng puti kong sneakers at pagkatapos ay tinali ko ang buhok ko.
Kinuha ko ang earphones sa mini table at lumabas na para mag-umpisang mag jogging. Super ganda ng umpisa ng araw ko ngayon dahil magkikita kami ni Chance mamaya.
I just can't understand him when he said that I didn't know him. Last week pa raw 'yon pero ang pagkakatanda ko ay nagkita kami kahapon sa graduation k-
I automatically stopped jogging when something entered my mind. Mabilis kong pinatay ang music at tiningnan ang date sa phone ko.
My brows furrowed when I realized that he was right. Isang linggo na ang nakalipas...
Pero bakit ang pagkakatanda ko ay kahapon ko lang siya nakita?
What happened?
Nagulat ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Napatingin ako roon at nakita kong tumatawag si Dominic.
I was just stunned by his name because I was still wondering what had happened. I sighed and was about to answer the call when it suddenly stopped ringing.
I shook my head. Pinagpatuloy ko na ang pagtakbo.
May mga kasabay akong nag jojogging pero napatigil ako nang makitang may nag-aaway sa kalsada. Maraming nakapaligid sa kanila.

YOU ARE READING
Taming the Wild Waves (Formentera Series #3)
RomanceWarning: This novel will talk about suicide, violence, anxiety, depression, drugs, inappropriate languages and sex. If you're uncomfortable by reading anything of the sort, I recommend you to read something else that is more suitable for you. Cj, s...