Chapter 17

2.3K 60 16
                                    

"I want to saw your face."

Napangiti ako sa sinabi ni Chance sa kabilang linya. Nagpagulong-gulong ako sa kama dahil sa kilig.

"Kakakita lang natin kanina, gusto mo na akong makita ulit?" nakangiting tanong ko.

"Ay hindi makita. I want to saw your face, gusto kong lagariin ang mukha mo." Pagkatapos ng salitang 'yon ay tumawa siya nang malakas.

Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ko at doon ko lang narealize kung ano ang sinabi niya.

Napasigaw ako sa galit. Talagang palagi niya akong pinagtitripan, huh? Sige, Chance. Gaguhin mo lang ako. Gagaguhin din kita 'kala mo ah.

Lumabas ako ng hotel at naglakad-lakad sa dalampasigan. 4 days na kami rito at nakikita ko pa rin si Kath. Kapag kasama ko si Chance ay sumasama siya sa amin.

Chance is too kind that's why.

Pinapaintindi niya sa akin na wala namang ginagawang masama si Kath. Pero may araw na kaming dalawa lang ang magkasama.

Humangin nang malakas kaya pinasadahan ko ang buhok ko.

May biglang umakbay sa akin at akmang ibabalibag ko siya nang magsalita ito.

"Hindi ako manyakis, miss... jowa mo 'ko..." bulong niya sa tainga ko kaya mabilis akong napalingon sa kanya.

"Chance!" sigaw ko at hinampas siya.

Ngumiti siya at inayos ang pagkakaakbay sa akin. Sabay kaming naglakad sa dalampasigan.

"Anong ginagawa mo rito? Hindi ka makatulog?" tanong niya.

I nodded. "You? What are you doing here?" I asked.

"Nandito lang ako para sabihin sa'yo na ikaw ang tahanan ko." He held my hand.

Hindi ako nagsalita.

"Tahimik mo. 'Di mo ba ako tahanan?" masungit na tanong niya.

Umiling ako. "Mukha kang bodega."

"Grabe ka, Cj, ah!"

"Tss! Ikaw din naman! Palagi mo akong pinagtitripan, e!" sigaw ko sa kanya.

Bigla siyang natawa. "Alin ba? 'Yung gusto kong lagariin ang mukha mo?" natatawang tanong niya kaya sumimangot ako.

"Joke lang! 'Wag ka nang magtampo. Pinapatawa ka lang-"

"Ikaw lang 'yung natatawa sa sarili mong joke tanga!" sigaw ko.

Inakbayan niya ako at nagsimula kaming maglakad ulit.

"Chance... why did you choose me?" I asked out of curiosity.

"You're my happiness." He smiled at me.

"Talaga?" kinikilig na tanong ko.

"Oo, nakakatawa kasi mukha mo." Humagalpak siya sa tawa.

Nawala ang ngiti ko at sumeryoso na naman ang mukha ko. "Ginagago mo na naman ako," seryosong sabi ko.

Pinigil niya ang tawa niya pero natawa pa rin siya nang malakas kaya nilagpasan ko na siya. Binilisan ko ang paglalakad dahil baka mahambalos ko lang siya kapag hindi ko siya nilagpasan.

"Cj, joke lang! Sabi mo kasi mukha akong bodega! Ganti ganti lang 'walang pikunan, miss!" Naramdaman ko ang paghabol niya sa akin pero hindi ko siya pinansin.

Bahala nga siya riyan. Palagi siyang nag jojoke at ako ang pinagtitripan niya.

"Cj, uy!" Kinalabit niya ako habang naglalakad. Hindi ko siya nilingon.

Taming the Wild Waves (Formentera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon