Chapter 29

6.7K 99 27
                                    

He lost a lot of blood and I'm scared. I'm scared to death because Kai's blood is rare. Saang lupalop ng mundo ko hahanapin ang dugo na katulad niya? Ni hindi kami magka-blood type.

"Cj, come to your senses!" sigaw ni Chance sa akin.

"Doctor ka! Huwag mong isipin na nanay ka! Doctor ka at may pasyente sa harap mo!"

"H-he lost a lot of blood..."

"Kaya nga dadalhin natin sa ospital!"

"H-hindi mo naiintindihan... Kai's blood type is Rhnull blood or G-golden Blood. Saan ko 'yon hahan-"

Mabilis na bumaba si Chance at hinila ako palabas ng driver's seat. "Pumunta ka sa anak mo, ako ang magmamaneho," seryosong aniya kaya wala na akong nagawa.

Mabilis kong niyakap si Kai. Duguan siya. Natataranta ako.

"My blood type is Rhnull." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay pinaharurot niya ang kotse. Halos lumipad kami sa sobrang bilis ng pagmamaneho niya.

Nakahinga ako nang maluwag. Anak niya talaga si Kai.

Pagdating sa ospital ay mabilis kong hinanda ang sarili ko para sa operasyon. Handa na rin si Chance. Alam kong may problema siya, alam kong namatayan siya pero... kailangan siya ni Kai.

Nanginginig ang mga kamay ko nang inabot sa akin ang scalpel. Sobrang lakas nang tibok ng puso ko.

Nang inumpisahan ko na ang operasyon ay sinubukan kong magpaka professional. I need to focus in order to save my son.

Makalipas ang halos walong oras ay natapos na. Naramdaman ko ang panghihina. Pagod na pagod ako pero hindi pa rin nawawala ang takot sa dibdib ko.

"Move him to the I.C.U. Susunod ako," utos ko sa mga nurse.

"Yes, doc," sagot nila.

Napaupo ako sa sahig sa gilid ng operation room. Napahawak ako sa dalawang tuhod ko habang tahimik na umiiyak.

"H-he'll be okay. The operation was successfull... he'll be okay..." pag-aalo ko sa sarili ko.

"I-I saved my son... so he'll be fine." Isinandal ko ang ulo ko sa pader at pumikit. He'll be fine.

"Cj, magsabi ka nga ng totoo sa'kin. Anak ko ba si Kai?"

Nagulat ako at napadilat. I didn't know that he was still here. Akala ko ay pumunta na siya sa mga magulang niya.

Napatayo ako. Nakatitig lang ako sa kanya. So, Kai got his blood type from you? That rare blood type?

"Cj, sumagot ka... mababaliw na ako sa kakaisip," pagod na sambit niya.

Maybe this is the right time to tell him the truth. May karapatan siyang malaman dahil anak niya naman talaga si Kai. Hindi ko na alam kung anong mangyayari pagkatapos nito.

Dahan-dahan akong tumango. Bumagsak ang luha niya at mabilis na tumakbo kaya sinundan ko siya.

"Chance! Where are you going?! You're weak!" sigaw ko pero hindi niya ako nilingon.

Nalaman ko na lang na pumunta siya sa ICU. Hindi siya pwedeng pumasok kaya tumigil siya sa tapat ng ICU. Nagbagsakan ang mga luha niya kaya kinagat ko ang labi ko upang pigilin ang luha.

Taming the Wild Waves (Formentera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon