Chapter 31

5.9K 90 17
                                    

Inilapag ko ang bulaklak na dala ko sa ibabaw ng lapida niya at inalis ang mga dahon na nakapaligid doon. Pagkatapos ay nagsindi ako ng kandila.

"How have you been?" I asked.

I felt the wind embrace me. Sandali akong napapikit dahil doon.

Inilagay ko ang mga takas na buhok sa likod ng tainga ko at muling tumingin sa pangalan niya. I smiled.

"Napatawad na kita... huwag ka nang mag-alala kung nasaan ka man." Hinaplos ko ang pangalan niya.

"Take care of me. Hindi man ako palaging dadalaw sa'yo, hindi naman kita makakalimutan. Mahal kita, e." I looked at the clear sky.

"I will never forget you. Siguro sa susunod na buhay... kung mayroon man... tatanggapin pa rin kita. Pipiliin kong makasama ka." Pumatak ang luha ko sa pangalan niya.

Tatlong buwan na ang lumipas...

Tumayo ako at pinahid ang mga luha ko. Pasakay na sana ako sa kotse nang may biglang humawak sa kamay ko. Napatingin ako roon.

"Dominic?" Napangiti ako.

He smiled at me. "Pauwi ka na?"

Tumango ako at binitawan niya naman ako. Tumingin siya sa langit. "Mukhang uulan..."

"Oo nga, e."

He looked at me again.

"Nagpaalam na ako kila Dahlia, Kai at Gwen.." aniya. "I'm here to say goodbye, Cj."

Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi niya noon. Balak niyang umalis sa birthday niya pero hindi siya natuloy dahil alam niyang nasasaktan ako sa nangyari kay Chance.

"Ngayon na ang alis mo?" tanong ko.

Tumango siya. "Yeah. I don't know if we'll ever get to see each other again... pero umaasa ako na magkikita ulit tayo." May inilabas siya mula sa bag niya.

Natawa ako dahil stethoscope 'yon. He chuckled. "This is my gift for you. Don't forget about me, Cordelia," aniya at ngumiti.

Tinanggap ko 'yon. "Anong oras ang flight mo? Ihahatid ka namin sa airport," I said.

Umiling siya. "Hindi na. Baka mahirapan akong iwan ka kapag nakita kitang tinitingnan ako palayo, e." Tumawa ulit siya.

Nawala ang mga ngiti ako. I know I'm gonna miss him.

Kaibigan ko siya, e.

"So... paano ba 'yan? Hanggang dito na lang muna?" tanong niya.

Ngumiti ako sa kanya. A genuine smile. Inilahad ko ang kamay ko. "Friends?" I asked, smiling.

Tiningnan niya ang kamay ko. Ngumiti siya at tumango saka tinanggap ang kamay ko at akala ko ay hanggang shake hands lang pero hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap.

"Take care, Cj. I hope to see you again soon. I hope one day, our paths will cross again. But I won't expext anything from you because I know we're just friends... alam naman natin pareho kung sino ang mahal mo," he whispered.

Niyakap ko siya. "Take care, Dominic. Sana nga... magkita ulit tayo." Sinabi niya kasi sa akin na hindi na siya babalik sa Pilipinas sa oras na pumunta siya sa New York.

Hinarap niya ako at ngumiti siya. "Hanggang dito na lang muna pero kaibigan pa rin kita... Ma'am Cj." Lumawak ang ngiti niya at natawa ako sa itinawag niya sa akin.

Taming the Wild Waves (Formentera Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon